ISSA, IPINOST SA IG NIYA ANG PICTURE NINA JAMES AT NADINE
- BULGAR
- Sep 10, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | September 10, 2023

May pa-fundraising campaign si Isabelle Daza para sa abused house helper na si Elvi Vergara na nabulag at na-deformed ang mukha at katawan dahil sa pananakit ng pamilyang pinagsilbihan.
Ang target amount ni Isabelle na maipon ay P300,000 at nakalikom na siya ng P117, 847.
Sabi ni Isabelle, “To all those who donated, it’s only been 2 days but you guys have really opened your hearts and more importantly wallets. Salamat! And I haven’t even pressured my influencer friends to post or donate.”

Itinag ni Isabelle ang kanyang mga influencer friends, pati ang mom niyang si Gloria Diaz na puro magaganda nga ang mga trabaho at kita lalo na si Dra. Vicki Belo.
Parang lalampas sa target amount ang makokolekta ni Isabelle para kay Elvi na nangangailangan ng malaking halaga para sa pagpapagamot. Sana, kahit ang isang mata nito ay mai-save para siya’y makakita uli.





Comments