top of page
Search
  • BULGAR

Isasali sa MMFF 2024… VICE, GAGAWA NA NG MOVIE NA 'DI BASURA ANG QUALITY

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | April 21, 2024



Opisyal nang inanunsiyo ni Vice Ganda sa It’s Showtime nu'ng Biyernes nang tanghali (April 19) na tuloy na ang pelikulang gagawin niya under IdeaFirst Company na ididirek ni Jun Lana.


Ipinost na rin sa FB account ng ABS-CBN Film Productions (Star Cinema) nu'ng tanghali ring 'yun ang larawan ni Vice na may nakalagay na: "Vice Ganda in a film by Jun Robles Lana, which is ang And The Breadwinner is Back…"


Ang caption ng ABS-CBN ay: “MEME VICE IS BACK! Vice Ganda and Jun Robles Lana officially announce And the Breadwinner Is…’ coming soon exclusively in cinemas this year!


Samantala, bago magsimula ang ENLIGHTEN: The IdeaFirst Film Festival nitong Abril 12-14 ay nabanggit nang may nakaantala silang Vice Ganda movie na dapat ay kasama ito noong 2023 Metro Manila Film Festival, pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi ito natuloy.


Bago magtapos ang IdeaFirst Film Festival nitong Linggo, Abril 14 ay tinanong namin kung ano ang entry nina Direk Perci at Jun sa 50th edition ng MMFF.


“Actually, gustung-gusto ni Vice kasi sabi niya, gusto niyang gumawa ng iba naman,” sambit ni PMI (tawag namin kay Direk Perci).


Kilala si Vice na pinakikialaman ang script at may mga suggestions siya kung ano ang gusto niyang mangyari. Makakayanan ba niyang hindi ito pakialaman dahil kilala rin si Direk Jun na ayaw na pinakikialaman ang gawa niya?


“Well, napag-usapan din ‘yan nu’ng nag-meeting kami nina Vice, Jun at taga-Star Cinema at okay naman sila, parang open naman si Vice sa ganu’n. Lahat naman ng inilatag namin, okay sila nu’n,” sagot ni Direk Perci.


Sabi nga ng kasamahan namin sa media, "Finally, makakagawa na si Vice ng pelikulang hindi matatawag na basura.”


Sa totoo lang, ito rin kasi lagi ang komento sa mga pelikula ni Vice na "poor quality", bagay na ikinasasama ng loob niya dahil pinaghihirapan nga naman niya itong i-shoot at pinag-iisipan din, tapos sasabihan ng basura?


Kaya nabanggit niya sa meeting daw with Direk Jun and Perci na gusto niyang gumawa ng iba naman sa mga nagawa na niya o lalabas siya sa comfort zone niya.


At dahil inanunsiyo na nga kaya tuloy na ang collab nina Vice at IdeaFirst director na isasama sa 50th year ng Metro Manila Film Festival sa December, 2024.


In fairness, ang ganda ng sabi ni Alexander Duca, “Finally, something relevant film for Meme Vice. Been waiting for a Vice Ganda film na hindi puro kababawan. Hopefully, Jun Lana would be able to capture both the charm of Vice's wit and his expertise in making socially relevant comedies.”



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page