top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Isang villa lang, P75K ang rent per day… DEREK, MILYONES ANG GINASTOS SA KASAL NILA NI ELLEN

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 13, 2021





Tahimik na naidaos ang kasalang Ellen Adarna-Derek Ramsay. Simple, intimate, pero sosyal at napakabongga ng ginanap na wedding ceremony.


Karamihan ay pamilya at malalapit na kaibigan nina Ellen at Derek ang mga dumalo. It's a garden sunset wedding na ang venue ay ang Bernardo Ranch Luxury Villas sa Bagac, Bataan.


Napakatahimik at maaliwalas ang paligid ng resort kaya feel na feel ng lahat ang solemnity ng wedding ceremony. Naiyak nga si Derek sa araw ng kasal nila ni Ellen.


Ang Bernardo Ranch Luxury Resort sa Bagac, Bataan ay isang 8-hectare land na napapalibutan ng maraming puno.


Noong Dec., 2020 lang ito nagbukas at naging paboritong puntahan ng mga celebrities tulad nina Rhian Ramos, Ivana Alawi, Aubrey Miles, atbp.. Puwede itong venue ng weddings, debut, atbp. special event.


Tiyak na milyones ang nagastos ni Derek sa kanilang kasal ni Ellen. Sa Bernardo Ranch Villas pa lang ay mahal na ang accommodation. Ang rental per day ng mga villas ay nasa P25K to P60K at ang pinakamalaking villa ay P75K per day. Ang bawat villa ay may sariling Jacuzzi.


Iba pa ang renta sa pavilion na pinagdausan ng wedding ceremony.


Simple lang ang wedding gown ni Ellen pero napaka-sexy sa taas ng slit.


Kitang-kita naman ang saya nina Ellen at Derek na finally, naikasal na sila at legal nang matatawag na husband and wife.


Well, tiyak na inaabangan ng lahat ang reaction-pagbati nina Andrea Torres at John Lloyd Cruz sa mga bagong kasal.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page