top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Isang buwan after maghiwalay, may kasama nang model… DEREK, NAKAHANAP NA NG KAPALIT NI ANDREA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2020
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 13, 2020




Halos isang buwan pa lang mula nang sumabog ang balitang break na ang showbiz couple na sina Andrea Torres at Derek Ramsay, kaya hindi kataka-taka kung laging nakaabang ang publiko kung may nakuha nang kapalit ng aktres ang aktor.


Sa panig ng lalaki, lalo na sa tulad ni Derek na sikat, guwapo at mayaman, tiyak na good catch ito at pag-aagawan ng mga babae ngayong single na ulit.


Kaya hindi nakaligtas si Derek nang makita siya recently na may kasamang magandang modelo. At sa ilang post ni Derek sa social media, makikitang namamasyal siya at nag-e-enjoy sa paborito niyang resort na matagal ding hindi niya napuntahan.


Masasabing unti-unti nang nakaka-move on si Derek. 'Yung tsismis sa kanila ni Pops Fernandez ay ayaw kagatin ng publiko. Talagang magkaibigan lang daw sila at walang romantic commitment.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page