top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Zoren, to the rescue… CASSY, NAHIMATAY SA IBANG BANSA, INIWANG MAG-ISA NG KAIBIGAN SA OSPITAL

Writer: BULGAR
BULGAR
4 days ago
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | October 15, 2026



Cassy Legaspi - IG

Photo: Cassy Legaspi - IG



Isang masakit na karanasan ang nagtulak kay Cassy Legaspi na tuluyang putulin ang ugnayan sa isang kaibigan matapos siyang maospital habang nasa ibang bansa.


Sa kanyang guesting sa bagong season ng Gandang Gabi Vice (GGV), ikinuwento ng Kapuso actress sa segment na Deep Truth ang insidenteng hindi niya makakalimutan.

“Nahimatay ako sa stress and heat,” kuwento niya.


Nang tanungin ni Vice kung bakit hindi siya inalagaan ng kaibigang kasama niya sa biyahe, sagot ni Cassy, “Hindi. ‘Di ko rin alam.”


Nang malaman ng kanyang amang si Zoren Legaspi ang nangyari, agad itong nag-book ng flight upang puntahan at samahan ang anak.


Ipinaliwanag ni Zoren na isa iyon sa mga unang pagkakataong pinayagan nila si Cassy na magbiyahe nang hindi sila kasama, kahit nag-aalala sila bilang mga magulang.

“Nalaman naming naospital, walang nag-aalaga sa kanya dahil solo flight, eh. Isa sa mga first time na pinayagan (namin) kahit ayaw namin,” aniya.


Pagdating ni Zoren sa ospital, wala ang kaibigan ni Cassy. 

“Pinauwi n’ya dahil ayaw n’ya nang makita,” pahayag ni Zoren.

Matapos ang insidente, nagdesisyon si Cassy na i-unfriend online ang kaibigan at tuluyan nang tapusin ang kanilang friendship.


Hindi naman binanggit ng young actress kung isa ring female celebrity ang dating kaibigan.





Kahit ‘di raw nakikita, Patrick… 

MCCOY, TODO-IPON PARA SA KINABUKASAN NG ANAK NILA NI ELISSE



TINIYAK ni McCoy de Leon na ginagawa niya ang lahat upang matustusan ang mga pangangailangan ng anak nila ni Elisse Joson na si Felize at ma-secure ang kinabukasan nito.


Sa isang panayam kamakailan, ibinahagi ng aktor ang kanyang karanasan bilang ama at ang mga hakbang na ginagawa niya upang maibigay ang magandang kinabukasan ng anak.


Ayon kay McCoy, kasama niya si Felize bago ang interview, pero pansamantala niya itong iniwan sa kanyang pamilya.


“Ngayon nga po ay kasama ko s’ya (Felize), eh. Iniwan ko lang muna sa family ko. Ang baby ko, laging happy. Wala namang ano, wala namang kahit na anong… lagi ko s’yang tinatanong, ‘Are you happy?’ ‘Yes, I’m happy, Daddy,’ ganyan,” kuwento niya.


Aminado ang aktor na marami pa siyang kailangang matutunan bilang ama. Inamin din niyang hindi madaling harapin ang mga hamon ng buhay kapag walang sapat na katatagan sa pananalapi.


Dahil dito, mas pinagtutuunan niya ngayon ng pansin ang kinabukasan ni Felize, lalo na ang edukasyon nito.


“Inuna ko po munang ma-secure ‘yung future ng anak ko, kahit po hindi ko siya laging nakakasama. ‘Yung school n’ya or kung ano ang puwede n’yang… Actually, iniisip ko ngayon, gusto ko s’yang dalhin sa ibang bansa balang-araw,” pahayag niya.


“Basta gusto ko i-secure ‘yung future n’ya, masustentuhan s’ya lagi na ‘di ako pumalya. Kasi mahirap po talaga, ang hirap po ng panahon ngayon,” dagdag pa niya.


Well, matapos ang mahigit limang taong on-and-off na relasyon, nagkahiwalay man ng landas ang dating magkasintahan na sina McCoy at Elisse, nananatili silang present bilang magulang ni Felize.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page