top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Joshua, pinagtawanan sa podcast ng 5 hosts kahit PWD… BOY KAY KRIS: SUE THEM!

Writer: BULGAR
BULGAR
5 days ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | October 15, 2026



Fsat Talk with Boy Abunda - YT

Photo: Fsat Talk with Boy Abunda - YT



Naglabas ng statement ang Machong Chismisan podcast bilang reaksiyon sa backlash na nakuha nila after their controversial episode noong October 5, 2026 mocking Joshua Aquino. 


Mahaba ang statement at nabanggit na comedy podcast sila na ang goal ay tumawa ang mga hosts at ang mga makakapanood ng kanilang podcast.


Nagpaabot sila ng apology sa mga na-offend nila, with special mention sa PWD (Persons with Disabilities) community. 


Sa nasabing episode ng kanilang podcast, pinuri ng mga hosts ang pagiging okay na anak ni Bimby Aquino, pero minaliit at pinagtawanan naman si Joshua Aquino.


Hindi ‘yun nagustuhan ng mga netizens, kaya agad silang nag-ingay. Ang ending, deleted na ang controversial episode at naglabas pa ng statement ang mga hosts. 

Ang latest, naka-private na ang TikTok (TT) account nila at wala na rin ang Instagram (IG) account nila.


Kahit may statement na, patuloy ang backlash sa limang hosts. Nag-post na rin ng reaksiyon si Michael Leyva, ang designer friend ni Kris, at may pa-good luck ito sa mga hosts.


Pahayag nito, “I just found out that there’s a video circulating online of these grown men making fun of Kuya Joshua Aquino. 


“Making Kuya Josh the subject of your so-called Machong Chismisan podcast and mocking his disability is not something that I or any of us should simply let slide. 


“Kuya Josh is a genuinely kind and intelligent person who deserves all the love and support this world has to offer, not the hurtful words you used to make fun of him. It is not funny and it will never be funny.


“Deleting the video from your YouTube channel will not make this issue go away. The internet keeps receipts. Good luck!”


Nag-react na rin si Boy Abunda sa programa niyang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). 


Pahayag nito, “Nakakalungkot ang ginawa ng mga podcasters na ‘to. Labag sa batas ang kanilang ginawa. Joshua is a good boy. It’s very painful ang ginawa nila.


“Ang masakit lang, he was being compared to Bimby. You are talking of a young man with disability. Congratulations! You got the attention of everybody,” bahagi ito ng pahayag ni Boy.


Dagdag pa ni Boy, hindi pa sila nag-uusap ni Kris, pero kung siya ang tatanungin, tama lang na idemanda ang limang podcasters. 

Sigaw niya, “Sue them!”




‘Pag nanood daw ng movie nila ni Dingdong…

MARIAN SA FANS: MAGDALA KAYO NG TOWEL



BLOCKBUSTER ang mall show nina Dingdong Dantes at Marian Rivera to promote their movie Remember. Kahit saang mall magpunta ang dalawa, sumusugod ang mga tao, punumpuno ang mall at malakas ang sigawan.


Sa mall show pa lang sa SM City Novaliches at VistaMall Bataan, blockbuster na, lalo na kapag showing na ang movie sa November 11, 2026. 


Nabanggit ni Marian na hanggang sa ibang bansa, magpo-promote sila ni Dingdong at kapag natapos na ang promo, se-segue sila ng short vacation.


May mga requests na mag-promote sina Marian at Dingdong sa kanilang mga lugar, kaya abangan na lang nila ang pagdating ng mga ito. Habang wala pang promo schedule, bumili na sila ng ticket dahil available na online.


May post si Marian na, “Love worth remembering. A story worth keeping. A story worth remembering begins now! Thank you for being part of this special moment!”

Siguraduhin lang na may dala kayong panyo, tissue o towelette kapag pinanood ninyo ang nasabing pelikula dahil siguradong iiyak kayo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page