Irving, inaasahan nang lalaro; Latvia, world champ sa Luge
ni MC - @Sports | January 05, 2022

Umaasa si Brooklyn Nets coach Steve Nash maging ang koponan na makapaglalaro na muli ngayong Miyerkules si Kyrie Irving sa Indianapolis, pero wala pang linaw kung mangyayari nga ito.
Hindi pa rin nagpapabakuna si Irving laban sa coronavirus, kung kaya naman hindi siya pinapayagang maglaro alinsunod sa mandato ng New York City vaccine. Unang tumanggi ang Nets na paglaruin si Irving sa road games bago pa man nagkaroon ng COVID-19 outbreak sa roster ng team.
Nang tanungin hinggil sa pagbabalik ni Irving, ayon kay Nash, “how he feels and whether we determine it is safe for him to come back.” Bukas naman ang pintuan ng Nets ayon kay general manager Sean Marks noong Dis. na ibalik muli si Irving bilang part time player. Nang mga panahon na iyon, 10 players ng Brooklyn ay nasa COVID-19 protocol.
Inaalala ng Nets kung ano ang kahihinatnan ng laban ng Nets sa paggamit ng dalawa nilang star players na sina Kevin Durant at James Harden. Pagpasok sa laro kontra Memphis, kahapon, nagtala si Durant ng average score na 37.1 minutes per game habang si Harden ay may 36.7 minutes. Nagtala rin ang Brooklyn second-best record sa Eastern Conference.
Samantala, nagwagi ang Latvia ng gold medal sa World Cup luge team relay noong Linggo, kung saan sumegunda ang Austria at pumangatlo ang U.S.
Tumapos ang Latvian team nina Eliza Tiruma, Kristers Aparjods at ang doubles nina Marlins Bots at Roberts Plume sa oras na 2 minutes, 24.294 segundo. Sumegunda naman ang Austria's team nina Madeleine Egle, Nico Gleirscher at doubles sled nina Thomas Steu at Lorenz Koller sa oras na 2:24.652.
Bronze medal ang nasungkit ng Americans na sina Summer Britcher, Tucker West at doubles team nina Chris Mazdzer at Jayson Terdiman sa natapos na oras 2:24.802. Nakuntento lamang ang Germany na kilalang lugar na nagniniyebe sa 4th place sa 2:24.955.
Ito ang ikalawang team relay medal ng season para sa USA Luge, na unang naka-silver sa season-opening relay sa bagong track sa Yanqing, China na gagamitin para sa Beijing Olympics sa susunod na buwan.
Sa kabilang banda nanguna ang Germany sa top podium sa women's race kung saan nanaig si Julia Taubitz (1:53.167) sa kapwa German slider na si Natalie Geisenberger (1:53.408) sa second heat para sa gold medal.





Comments