Ipinost sa socmed… VICE, PINARIRINGGAN ANG 2 HOST
- BULGAR
- Apr 1, 2024
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | March 28, 2024

Nag-post ang It’s Showtime host na si Unkabogable Star Vice Ganda sa X (dating Twitter) nitong Semana Santa na patama sa dalawang talk show hosts.
Isang picture ng dalawang nakakadiring alien creatures ang ipinost ni Vice sa X.
Nilagaynan din niya ng thought balloon ang bawat creature.
Say ng isang creature, “Nanggigil ako! Pinagpapala na naman sya! Kumilos tayo! Dali!!!!!!”
Sagot naman ng isa, “Dating gawi ‘Nay siraan natin sya. Walang kakalma kahit Semana Santa!”
Caption ni Vice sa kanyang post, “Bwak bwak bwak bwak!!!”
Tukoy na tukoy agad ng mga netizens kung sino ang mga pinatutungkulan ni Vice ng kanyang post sa X.
Comment ng mga netizens sa nasabing post:
“Kulang na kasi sa pansin ang dalawang matandang aso kaya nagpapapansin at nagpapaviral para maging sikat. Hahahah. Bwak bwak bwak bwak.”
“Tama ka meme @vicegandako ... ‘Di ko maintindahan. Napakanega. Ang dalawa naman parang uto-uto. Yes lang ng yes. .. At ‘di, ko ma gets”
“Ba't galit siya sayo. ‘Di mo siguro yan nabigyan. O baka threaten kasi sa GMA na kayo. Pano nalang mga favorites niya.”
“Yung xxxxxx super gatong ‘din mukha ng alalay ni bwak bwak bwak sunud sunuran sa kng ano ikokomento ni bwak bwak”
May nagbiro pa sa post ni Vice na baka mademamda siya.
“Madedemanda ka diyan meme kamukhang kamukha, eh”
Meron ding nagsasabi kay Vice na jayaan na lamang ang mga tumitira sa kanya.
“‘Yaan mo na sila Meme. Mas marami kaming nagmamahal sayo. Kahit ano pang sabihin nila against you. We still support you, kasi we love you at hindi nila alam how much joy and happiness ang nabibigay mo sa amin especially sa It’s Showtime.”
True.




Comments