Ipinatupad ng PhilHealth ang Debit-Credit Payment Method (DCPM)
- BULGAR
- Dec 17, 2021
- 1 min read
ni Fely Ng - @Bulgarific | December 17, 2021

Hello, Bulgarians! Iniulat ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na patuloy itong nagbabayad ng mga reimbursement sa ospital, na nakapaglabas ng kabuuang P165.8 bilyon na claim mula Enero 2020 hanggang sa kasalukuyan.
Dahil sa mga hamon na dulot ng pandemya sa mga operasyon nito, ipinatupad ng ahensiya ang Debit-Credit Payment Method (DCPM) para bigyang-daan ang mabilis na pagpapalabas ng pondo sa mga kuwalipikadong ospital sa buong bansa na nagsasaad ng intensiyon na gamitin ang bagong payment mechanism habang pinoproseso nito ang kanilang mga claim.
Sa ngayon, ang PhilHealth ay naglabas ng dalawang pagbabayad na nagkakahalagang P11.04 bilyon sa ilalim ng DCPM. Nakatakda itong maglabas ng mas maraming pondo para sa third wave sa pamamagitan ng Circular 2021-0023 na agad na nagkabisa pagkatapos mailathala noong Disyembre 8, 2021.
Sa ilalim ng third wave, ang mga ospital sa buong bansa ay kuwalipikadong mag-apply hangga’t sila ay namamahala sa mga kaso ng COVID at nag-aalok ng PhilHealth testing packages, ganap na na-liquidate ang kanilang IRM, at walang mga legal na kaso sa PhilHealth.
Napag-alaman ng Korporasyon na ang mga ospital sa Iloilo City ay kuwalipikadong mag-avail ng nasabing mekanismo mula nang magsimula silang makaranas ng pagtaas ng mga kaso ng COVID sa unang bahagi ng taong ito. Nanawagan ito sa pitong ospital na mag-avail ng DCPM upang mapabilis ang pagbabayad, sa gayon ay matiyak at mapangalagaan ang kapakanan ng mga miyembro sa nasabing rehiyon.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.





Comments