top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Ipinalit kay Sarah, kamukha rin… RICHARD, PARANG TATAY NA RAW NI BARBIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 days ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 6, 2026



BULGARY - RICHARD, PARANG TATAY NA RAW NI BARBIE-IG _msbarbieimperial

Photo: IG @msbarbieimperial



Sinuportahan ni Barbie Imperial ang boyfriend na si Richard Gutierrez sa paglalaro nito ng basketball para sa All-Star Basketball League na ginanap kamakailan sa SM Mall of Asia (MOA) Arena.


Nag-post si Barbie ng kuha nilang larawan ni Richard sa kanyang Instagram (IG) Story.

Ilan sa mga komento ng mga netizens…


“Parang tatay figure si Richard kay Barbie.”


“Parang ang hina na rin ng star power ng Star Magic talents ngayon. ‘Di man lang nila napuno ang Araneta sa basketball game nila.”


“‘Di na rin kasi talaga movie stars at TV stars ang mainstream ngayon.”

“Kilig na kilig si girl, feeling legal.”


“Ang ganda nilang tingnan ‘pag magkasama.”


“It’s weird na ‘yung ipapalit mo sa ex mo ay kamukha n’ya lang din.”

“Nag-OOTD (outfit of the day) na parang dating misis (Sarah Lahbati).”

Ganern?





Todo-react si Charlie Dizon sa mga bashers ni Kaila Estrada na naglabasan nitong mga nakaraang araw. Nagsalita si Charlie tungkol sa mga kritisismo na ibinato sa aktres.


Ibinahagi ng misis ni Carlo Aquino ang kanyang personal na karanasan kay Kaila nang makasama niya ito sa isang serye. Sinabi niya na ang mga negatibong komento tungkol kay Kaila ay hindi patas batay sa kanyang unang pagkakakilala rito.


“Parang mga two years ago pa siguro, nakikita ko marami na ang namba-bash sa kanya,” wika ng aktres.


Ayon sa kanya, ang aktres ay nagpakita ng ibang personalidad kumpara sa mga sinasabi online.


“Nagkasama kami sa What Lies Beneath. So ‘pag na-meet n’yo s’ya or nakilala in person, sobrang ayos na tao, as in,” wika ni Dizon.


Binigyang-diin ng aktres na ang kanyang co-star ay tunay na mabait at madaling katrabaho. 


Ang mismong karanasang ito ang nagtulak sa kanya na kuwestiyunin ang mga negatibong komentong kumakalat sa social media.


Sinabi pa niya na ibang-iba ang mga kritisismo online sa totoong ugali ni Kaila.

“So, sobrang, ‘yung mga nababasa ko about her, ang layo, as in unfair na unfair,” dagdag pa nito.


Kaya ngayon, hinikayat ni Charlie Dizon ang mga netizens na huwag magpadala sa tsismis at bigyan ng pagkakataon na makilala si Kaila Estrada.





Mananatiling Kapamilya at tapat sa ABS-CBN si Zaijian Jaranilla dahil dito siya nagsimula mula ng kanyang pagkabata.


Nakilala siya bilang Santino sa 2009 series na May Bukas Pa (MBP) kung saan ay nagbalik-tanaw siya sa 17 taon na nakaraan. 


Bilang Kapamilya actor, ibinahagi niya ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN.

Sa panayam, sinabi niyang nagsimula siyang mag-talent sa edad na apat at pinapahalagahan niya ang mga proyektong ibinibigay ng network bilang paraan ng kanyang pasasalamat.


Binanggit ni Jaranilla na ang pagtitiwala ng ABS-CBN sa kanya ay sinusuklian niya ng maayos na trabaho sa mga teleserye at pelikula na kanyang ginampanan. 

Para sa kanya, mahalaga ang loyalty bilang bahagi ng kanyang career at personal na paniniwala. 


“Kung ang pagbabasehan po ay May Bukas Pa, halos 17 years na rin po ako sa ABS-CBN. Pero nag-start po ako mag-talent at the age of 4,” sabi ng aktor.


Dagdag pa niya, “Pinapahalagahan ko po ‘yung mga ibinibigay nila sa akin. ‘Yun po ang way ko ng pasasalamat sa kanila.”


“Pinagkatiwalaan ka nila. Binibigyan ka nila ng trabaho. Binibigyan ka nila ng teleserye at pelikula. ‘Yun ‘yung sukli mo na pagbutihan ‘yung trabaho mo,” dagdag pa niya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page