top of page
Search
  • BULGAR

Ipinalit kay James… BF NI NADINE, FREELOADER DAW

ni Julie Bonifacio @Winner | April 6, 2024




Sweetness overload ang hatid ng magkahiwalay na posts ng magdyowang James Reid and Yassi Pressman sa Instagram recently.


Ipinost ng magkarelasyon ang mga larawan ng super sweet moments nila sa kanilang vacation trip sa Bali, Indonesia.


Actually, sa Bali napili nina James at Issa na i-celebrate ang kanilang first year anniversary. 


Enjoy na enjoy ang dalawa sa ganda ng kanilang nature trip sa Bali. And most of the time ay nakababad sila sa tubig, whether sa pool or sa tinatawag na water temple sa Bali. 


One word lang ang inilagay na caption ni James sa kanyang IG (Instagram) post, “…One.”


Naku, ha? Ang daming puwedeng ibigay na kahulugan sa “one” na ‘yan. 


One bilang English translation ng name ni Issa. Or puwede ring dahil one year na sila at may naganap na kayang marriage proposal sa kanila sa Bali kaya posibleng engaged na sina James at Issa? 


Say naman ni Issa sa comment section ng IG post ni James, “Oneness (and) awareness.”


Ang nakakalurky sa comment section ay ang reaction ng mga netizens sa magdyowa… 


“They are okay and look good together. We let them be happy, James found peace with his GF, something he never found in Nadine.”


“Ngee, baka si Nadine found peace not James.”


“Nge, obvious naman na at peace si James, ewan na lang sa idol mo na hitsura pa lang, mukhang aburido.”


Hanggang sa napunta naman ang bashing ng mga netizens sa mga partner ng ex-on-and-off screen partners na sina Issa at Christophe Bariou.


Tinawag si Issa na may “tililing” at si Christophe naman ay “freeloader”. 


“Wala kayong dating, ba’t ganu’n?” say ng basher nina James at Issa.


“Ewan ko ba, parang may tililing si Issa?”


“May ChrisDine na, si Dine, may freeloader jowa na.”


“Rench, old money rich & owns a well-known luxury villa in Siargao called Maison Bukana ‘yung BF ni Nadine whose name is Chris. Don't confuse it as a "freeloader.”


Ganern?


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page