top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ipinalit daw kay Derek… PIKTYUR NI ANDREA NA MAY KASAMANG TIBO, KALAT NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 11, 2023



May masamang intensiyon kung sinuman ang nagpo-post sa FB ng mga larawan ng Kapuso actress na si Andrea Torres na may kasama siyang lesbian. Ito raw ang bagong love o karelasyon niya ngayon na ipinalit niya kay Derek Ramsay.


Sunud-sunod ang mga nasabing posts na parang proud pa raw si Andrea sa lover na t-bird.


Para sa amin, hindi ang tipo ni Andrea Torres ang gagawa ng ganito. Hindi niya ididispley sa publiko ang kanyang pakikipagrelasyon. Dapat ay matigil na ang ganitong paninira kay Andrea Torres. May sumisira sa social media sa kanyang reputasyon at pagkatao at makakaapekto rin ito sa kanyang career.


Dapat ay kumilos na siya at ganu'n din ang kanyang mga fans upang matigil na ang pagsabotahe sa kanyang image.


Nagtataka lang kami kung bakit lumilitaw sa social media ang paninirang ito kay Andrea Torres? Alam ng lahat na tahimik at hindi basta nagre-react sa mga issues na ibinabato sa kanya ng mga bashers ang aktres.


Hindi rin siya ang tipo na nakikipagkumpitensiya sa sinumang artista. Low profile lang siya at 'di nagpapapansin.


For sure, may mga naiinggit lang kay Andrea Torres at gusto siyang ibagsak at harangin ang kanyang pagsikat nang husto.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page