top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Ipinakiusap daw ni Mommy Divine… FRENCHIE, PROUD NA SIYA ANG NAGTURONG KUMANTA KAY SARAH

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 13, 2024
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | March 13, 2024




Perfect choice ang mahusay na singer na si Frenchie Dy bilang isa sa mga magme-mentor sa mga contestants na kasali sa Gimme A Break singing competition, teacher’s edition.


Walang duda na si Frenchie ay isa sa mga top at may pinakamalinis na tinig na local singers dito sa Pilipinas.


Nag-champion sa sikat na singing competition sa bansa, siya rin ang naging voice lesson teacher ni Popstar Royalty Sarah Geronimo.


Ayon kay Frenchie, “Ano po ‘yun, magkapitbahay po kasi kami ni Sarah sa may Natividad, Quiricada. So, mga bata pa po kami noon. Ako po ay nagbo-voice lessons noon. Sabi sa akin ni Mommy Divine (Geronimo), ‘Uh, anak, Mahal, kasi sasali ang anak ko sa singing contest sa school, puwede bang i-guide mo siya?’ 


“So, sabi ko, 'Opo. Sige po.' Kaya kung ano po 'yung natutunan ko doon sa voice lesson, isine-share ko po kay Sarah. ‘Yun po ang story noon. Na na-ano naman ako kasi sabi niya (Sarah), ako raw ‘yung voice coach niya. 'Yun po.”


Siyempre, kung may contestant daw sa Gimme A Break na mala-Sarah ang dating, mas maigi. 


“Opo, puwede po,” ngiti ni Frenchie. “Gusto ko po, may ganoon. Pero malalaman po natin 'yan talaga na hindi nila i-box ang sarili nila sa ganito lang, eto lang. Kailangan, ilabas mo ‘yung full potential mo, lahat ng kakayahan mo, ‘yun po.”


Nagsanib-puwersa ang tinaguriang Father of Philippine Review na si Dr. Carl Balita at ang box-office director na si Cathy Garcia-Sampana.


Si Dr. Carl ang President & CEO of the Dr. Carl E. Balita Review Center or popularly known as CBRC. 


Almost 200 branches in major cities locally and internationally ang review centers ni Dr. Carl.


CBRC is the home of hundreds of topnotchers and a million board passers which include various professionals such as teachers, nurses, midwives, criminologists, agriculturists among others. 


Habang si Direk Cathy naman ang head ng NICKL Entertainment Corp. as its president & CEO. 


NICKL Entertainment is a group of professionals with decades of experience in film, broadcasting, and entertainment. 


Naghahatid sa mga madla na may diskriminasyong panlasa para sa libangan, ito ay unang itinatag na may layuning mag-organisa ng mga konsiyerto na nagtatampok ng mga K-pop group sa Pilipinas.


Ang Gimme a Break ay nakatuon sa paglalagay ng spotlight sa mga talentong Pilipino. 


Sa pamamagitan nito, nilalayon ng NICKL Entertainment na tulungan ang mga lokal na artista sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataong ipakita kung ano ang mayroon sila.


Nagsimula sila noong 2021 sa pagtuklas ng mga bagong songwriter. 


Tumagal ng isang taon ang patimpalak hanggang sa lumabas ang pinakamahusay sa listahan ng mga mahuhusay na manunulat ng kanta — si Chard Salazar a.k.a. Putito Chief na ngayon ay nagsulat na ng kanta para sa SB19.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page