Ipinagsigawan sa socmed… REGINE, NAGME-MENOPAUSE NA, HIRAP NA HIRAP
- BULGAR
- Dec 2, 2021
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 02, 2021

Ibinahagi ni Regine Velasquez sa kanyang mga Twitter followers ang hirap na dinadaanan niya ngayon sa pagme-menopause. Pero, hindi naman daw siya nagko-complain.
“Ah, menopause, so many things happening to you all at the same time, can’t complain 'coz no one will understand except maybe another menopausal. Ahhh, wonderful,” ang tweet ni Regine.
Relate naman ang mga fans niyang dumaan na or kasalukuyang dumadaan sa menopausal period, pero ang mga younger fans niya, siyempre ay hindi siya ma-gets.
Isang netizen naman ang nag-wish na sana raw, kapag nasa menopausal age na rin siya ay mayroon din siyang asawang kasing-patient at kasing-caring ni Ogie Alcasid.
Regine is 51 now kaya hindi kataka-takang nasa menopausal period na siya.





Comments