Ipinagpalit kay Bing… JANNO, NAGSORI NA KAY MANILYN
- BULGAR

- 4 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 12, 2026

Photo: FB Janno Gibbs / YT
Makalipas ang mahabang panahon, nagkaroon din ng chance si Janno Gibbs na humingi ng tawad kay Manilyn ‘Mane’ Reynes.
Pumayag si Mane na mag-guest sa YouTube (YT) channel nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga. At dito ay sincere na nag-sorry si Janno kung bakit nasaktan niya si Manilyn noong sila ay magkasintahan.
Si Bing kasi ang dahilan kaya nag-break sina Manilyn at Janno Gibbs. Dinamdam nang husto ni Mane ang breakup kaya ang kantang Sayang Na Sayang ay inihandog niya kay Janno.
Ayon kay Manilyn, hindi siya galit kay Bing. Wala siyang sama ng loob nang piliin nito na pakasalan si Janno Gibbs.
Sa paglipas ng mahabang panahon, kinalimutan at napatawad na ni Mane ang pagtataksil sa kanya ni Janno.
At magaan na ang loob niya nang matagpuan ang kanyang true love na si Aljon Jimenez na kasamahan din nila noon sa That’s Entertainment (TE). Tahimik at masaya ang married life ni Manilyn at aktibo ang kanyang career.
Regular siyang napapanood sa sitcom na Pepito Manaloto (PM) at may serye rin siyang Born To Be A Star (BTBAS).
SOBRANG excited at flattered si Barbie Forteza nang siya ang mapili na makasama ni Megastar Sharon Cuneta sa seryeng Honor Thy Mother (HTM).
Bale collab ito ng GMA Network at ABS-CBN under Dreamscape Entertainment.
Napakalaking project ito na tiyak na aabangan ng mga viewers.
Idol ni Barbie si Shawie at malaking karangalan para sa kanya ang makasama ang Megastar sa isang project.
Malaking challenge ito dahil kailangang pantayan ni Barbie ang galing ng isang Sharon Cuneta.
Mother-daughter ang kanilang magiging role sa HTM. Kontrapelo (‘di magkasundo) sila at laging nag-aaway.
Isang malaking hamon ito para kay Barbie kung paano aatakihin ang kanyang role. Ibang katauhan ang kailangan niyang ilabas. Magagabayan naman siya ng mga direktor ng serye na sina Onat Diaz at Dolly Dulu.
Well, magaan ang loob ni Sharon Cuneta nang magkita sila nang personal ni Barbie Forteza. Nakikita rin niya na seryoso at professional ang aktres sa kanyang trabaho, bukod pa sa humble ito at marunong rumespeto sa mga senior stars.
MARAMING fans ang nagtatanong kung bakit sitcom at hindi serye ang pinili ni John Lloyd Cruz (JLC) na gawin sa kanyang pagbabalik sa GMA Network.
Una na niyang ipinrodyus ang Happy ToGetHer (HT) na ngayon ay may rerun at napapanood tuwing Sabado nang gabi sa GMA-7.
Sa bagong sitcom ni JLC ay makakasama niya sina Ellen Adarna, Rufa Mae Quinto at Bayani Agbayani.
Recently, nakita si John Lloyd na ka-meeting ang mga big bosses ng GMA Network at tiyak na ang bagong sitcom ni JLC ang pinag-uusapan.
Samantala, ang ine-expect sana ng mga fans ni John Lloyd ay isang serye ang kanyang bagong project sa Kapuso Network.
Marami namang magagandang Kapuso stars ang puwede niyang makapareha. At mas okay sana kung sila ni Bea Alonzo ang magkakasama sa Whispers From Heaven (WFH).
Well, mas madali siguro para kay JLC na sitcom ang gawin dahil hindi malaki ang production cost at hindi siya gaanong mai-stress.
Parang pagod na rin kasi si Lloydie sa mabibigat na project na kanyang ginawa noon.
NAGTATANONG ang mga fans ni Megan Young kung bakit ayaw pa niyang balikan ang kanyang showbiz career ngayong one year na ang kanilang anak ni Mikael Daez.
Matagal-tagal din siyang nakabakasyon pagkatapos ng kasal nila ni Mikael. Nag-travel sila sa iba’t ibang bansa hanggang sa maging preggy si Megan.
Ang buong panahon ng aktres-former beauty queen ay ibinuhos niya sa pagbuo ng pamilya. Sobra niyang minahal si Mikael at sa kanyang mister na lang umikot ang kanyang mundo.
Madalas sabihin noon ng mister niya na dapat magkaroon ng sariling oras si Megan para sa kanyang sarili. Nakakalimutan na kasi nito na isa siyang beauty queen at nang maging ganap na siyang mommy ay hindi na niya inisip ang kanyang career.
Buong panahon ni Megan ay ibinuhos kay Mikael at kay Baby Leon. Hindi niya nararamdaman ang pagod at puyat sa pag-aasikaso sa kanyang anak.
Hinahanap na rin ng mga fans si Megan Young. Puwede pa naman siyang mag-host ng mga shows at mag-guest sa variety show ng GMA-7.
For sure, kakayanin naman ni Mikael Daez na bantayan ang kanilang anak at kumuha sila ng mapagkakatiwalaang nanny para kay Baby Leon.
Iba pa rin kung nakikita sa telebisyon ang isang celebrity at beauty queen. Sayang ang kanyang career opportunity.





Comments