top of page
Teddy Corpuz - IG.jpg

Ipauubaya na sa madlang pipol… MAYOR ISKO: VICE, QUALIFIED TUMAKBONG PANGULO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 29, 2026



Isko Moreno at VIce Ganda

Photo: Isko Moreno at VIce Ganda / FIle



Isa si Manila Mayor Isko Moreno sa mga dumalo at nakiisa sa napaka-successful na White Party Manila na ginanap sa World Trade Center nu'ng June 27, Sabado nang gabi.


Nakausap namin si Yorme bago pa siya pumasok sa events hall, at tinanong namin ang kanyang mensahe para sa mga members ng LGBTQIA+ community na sumugod nang gabing ‘yun para ipagdiwang ang Pride Month.


Nakangiting bungad ng alkalde, “Well, I hope it's going to be successful, again, year on year. Welcome kayo dito sa Maynila.”


Dumating daw siya para ipakita ang kanyang suporta at tiniyak niyang sa Maynila, walang bakla at walang tomboy, lahat ay pantay-pantay.


Kaya ‘pag may nambastos daw sa sinumang member ng LGBTQIA+ community, “Kokonyatan ko!” natatawang paniniguro ni Yorme Isko.


Hiningi namin ang opinyon niya na may mga nagpu-push kay Vice Ganda na tumakbong pangulo sa 2028.


Sabi ni Yorme, “Technically, he's qualified.”


Sa tingin ba niya ay panahon na para isang gay icon namang tulad ni Meme Vice ang dapat maging presidente natin?


Sagot niya, “Well, it's up for the people to decide. Ang maganda naman kasi sa atin, democracy. You can choose anybody.”


At sa tanong kung final answer na bang sa pagka-mayor siya tatakbo uli sa 2028 at hindi sa pagka-pangulo ng Pilipinas, with conviction at paulit-ulit niyang sagot, “I've said it so many times. Dito na lang ako sa gedli (gilid), steady lang ako dito. Kumbinsidung-kumbinsido na ako, dito na lang ako sa Maynila.”


Sabagay, baka hindi talaga para sa kanya ang pagka-pangulo kaya ‘di siya pinalad na manalo nu'ng 2022.


Anyway, big success talaga ang White Party Manila na mula sa Mentorque Productions ni Brian Diamante. At sa pagbabalik nito after 12 yrs., malalaking celebrities ang sumuporta sa pangunguna siyempre ni Meme Vice Ganda, ng host na si Kaladkaren, ng gay couples na sina Direk Ice Seguerra at Liza Diño, Angie and Joey Mead-King, John Sweet Lapus, Mark Bautista, Yayo Aguila, Martin del Rosario, Janella Salvador, Kelvin Miranda, Alex Diaz at marami pang iba.


Puro sikat din ang mga performers like Gloc 9, Ben&Ben, Maki, Marina Summers, Sexbomb Dancers, Divine Divas at may mga models ding inirampa ang iba't ibang creations ng designer na si Bang Pineda.


Nakalikom ng P700K ang Mentorque na dinagdagan nila ng P300K para i-donate sa Love Yourself PH foundation na tumutulong para sa AIDS awareness among the members of the LGBTQIA+ community.


Congratulations to Sir Brian and to his whole team for this super successful White Party Manila!


Nag-enjoy talaga hindi lang ang sangkabaklaan at katomboyan kundi pati mga straight na super na-entertain sa show.



Dating opisyal ng OWWA, kinasuhan, out… 

ARNELL, AMINADONG PINITIK NI LORD


NAGBABALIK-SHOWBIZ ang TV host-actor na si Arnell Ignacio matapos nga ang may isang taon ding pamamahinga mula nang mawala siya bilang OWWA administrator dahil sa akusasyon sa kanya na may kinalaman sa paggamit umano ng pondo ng ahensiya.


Nainterbyu si Arnelli ng mga press people sa ginanap na grand launch ng bagong online streaming app, ang Star Sinemax last Friday night.


Isa kasi ang pelikula nila ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa mga wholesome films na ipapalabas sa Star Sinemax, ang Mudra Bampira.


Kaibigan pala nina Arnelli at Ai Ai ang Filipino CEO ng Star Sinemax na si Ms. Ery Gushi kaya nang mahilingan silang gumawa ng movie rito ay game na game naman sila.


Ani Arnell, nanibago siya sa pagbabalik-showbiz dahil matagal nga siyang napahinga at medyo kinakabahan pa siyang muling humarap sa mga tao dahil nag-aalala siya sa mga iniisip sa kanya lalo't as of now ay hindi pa rin nabibigyang-linaw ang isyung ibinabato sa kanya.


Pero dahil sa nakita niyang pag-welcome sa kanya ng press, nakita naming sumaya ang mga mata ni Arnelli at parang sumungaw ang luha na anytime ay bigla na lang babagsak.


Touched siya dahil may mga kaibigan pa rin daw palang tunay at nagtitiwala sa kanya at hindi siya hinusgahan.


Although aminado siyang may mga taga-showbiz ding tumalikod sa kanya dahil sa issue, meron pa rin daw ilang natira na totoo sa kanya at ‘yun ang gusto niyang maalala lagi at pahalagahan.


Kung may malaking lesson na naituro sa kanya ang pangyayari, ‘yun ay tinapik daw siya ni Lord dahil nu'ng time na buong buhay niya ay inilaan niya sa paglilingkod sa ating mga kababayang OFWs, akala niya ay sapat na ‘yung nakakagawa siya ng mabuti sa kapwa, pero napabayaan daw pala niya ang personal relationship niya kay God, kaya ngayon ay bumabawi na siya at mas malapit na kay Lord.


Anyway, happy si Arnell na muli nga siyang mapapanood sa pelikula na horror-comedy.


Isa lang ang pelikula niya sa 70 films na nakabangko na, ayon kay Ms. Ery Gushi, na ang iba pang wholesome films na mapapanood ay ang: Guardian Baby, Haunted Bride, Justice of Love, Oni, Kiss of An Angel, Budoleras, The Invitation, at Worlds Apart.

Marami ring sexy films like Tubero, Dalisay, Piring, Sadista, Lihim ni Fiona, Sariwa, Liwaliw, Hayok at Humaling.


May mga LGBT-themed movies din pero ayon sa CEO na si Madam Ery, may child lock feature ang Star Sinemax kaya walang dapat ipag-alala ang mga magulang na baka mapanood ng mga anak nila ang mga adult films sa naturang online streaming app.


Nagsimula nang mag-stream online sa Star Sinemax nu'ng June 26 ang Portrait of Us at My Guardian Baby.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
LOTTO RESULTS  SUNDAY,  JUNE 28, 2026  JACKPOT PRIZE*

Ultra Lotto 6/58  : 46-56-08-01-03-05 ₱ 128,000,000.00
Super Lotto 6/49 : 32-01-35-23-14-29 ₱ 46,214,516.39
3D Lotto 2 PM      : 3-26-                         ₱ 4,500.00
3D Lotto 5 PM      : 0-1-7-                        ₱ 4,500.00
3D Lotto 9 PM      : 
7-7-0-                        ₱ 4,500.00



*Jackpot amount may change depeding on actual sales.      View All Results >
bottom of page