Ipagsisigawan daw kung totoo… LIZA, TODO-DENY NA ENGAGED NA SILA NI ENRIQUE
- BULGAR
- Mar 27, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | March 27, 2021

Nilinaw ni Liza Soberano na hindi pa sila engaged ng boyfriend niyang si Enrique Gil.
Tweet ni Liza, “I’m sorry to burst your happy bubble but if I was engaged, I would be loud and proud. I wouldn’t hide it.”
Sagot ito ni Liza sa convo ng brother ni Enrique at ng isang netizen kung saan, ipinagtanggol ng kanyang future bayaw si Liza sa tweet ng aktres na: “Where is the support for the poor in our country?"
Sa pagitan ng convo ng brother ni Enrique at ng netizen, tinawag nitong “fiancée” ni Enrique si Liza na ikinatuwa ng LizQuen fans.
Sabi kasi ng netizen, “Fiancée pa ng brother niya ang na-bash ko.”
Nabasa ‘yun ni Liza, kaya nilinaw ang isyu bago pa lumaki, lalo na at may nagre-request kina Liza at Enrique na ilabas nila ang kanilang proposal video.





Comments