Ipagluluto raw ng menudo sa bahay, pero… MARIAN, INIWASAN SI BEA NANG MAGKITA SA ART EXHIBIT
ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 25, 2022

Nagtaka, napaisip at naintriga kami sa kuwentong ipinarating sa amin ng isang reliable source na naganap kamakailan lang sa art exhibit ng sikat na photographer na si Mark Nicdao.
Ayon sa source naming um-attend sa naturang art exhibit sa Leon Gallery sa Makati last February 22, napansin niyang nagtangkang lumapit si Bea Alonzo sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Hinihintay daw ni Bea na lingunin siya nina Marian at Dingdong para magkaroon sila ng eye contact at para malapitan niya ang mga ito para batiin.
But sad to say, napansin daw ng aming source na pasimpleng umiiwas si Marian na magtama ang tingin nila ni Bea.
Imposible naman daw kasing sa liit lang ng venue, eh, hindi malaman ng mag-asawang Dingdong at Marian na nandu'n din si Bea na Kapuso star na rin ngayon.
Kaya nagtataka kami kung nagkaroon ba ng "issue" sina Marian at Bea bago ang art exhibit na 'yun?
Kung hindi kasi kami nagkakamali, napakainit pa ng naging pagtanggap ni Marian kay Bea nang i-welcome ito bilang Kapuso star. Nag-usap pa nga sila sa isang virtual mediacon ng Beautederm (if we're not mistaken) na iniimbitahan ni Yan-Yan si Bea sa bahay nila ni Dingdong para maipatikim daw niya ang special menudo recipe niya.
So, anyare? Masyado kayang na-amaze si Marian sa mga art pieces sa exhibit kaya hindi niya napansin ang mga nasa paligid niya?
Sayang, kung nagkausap sana sila sa naturang art exhibit, eh, malamang naibalita nang naipagluto na ni Marian si Bea ng menudo.
Hmmm…, tekaaa, hindi kaya hindi pa ready si Marian na magluto ng menudo kaya umiwas daw siya kay Bea?
Charot!





Comments