Ion, kahit may sakit, join din… IT'S SHOWTIME HOSTS, SAMA-SAMANG NAG-SWIMMING
- BULGAR
- Jun 15, 2021
- 1 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 15, 2021

Nag-bonding ulit ang It’s Showtime hosts sa magarbong bahay ng kasama nila sa show na si Vice Ganda.
Sa latest Instagram story ng isa sa mga hosts ng Kapamilya noontime show at band lead singer na si Teddy Corpuz, makikita ang masayang bonding ng It’s Showtime family sa glass walled swimming pool sa bahay ni Vice.
“Fambonding” ang caption na inilagay ni Teddy sa kanyang IG post kahapon.
Bukod kay Teddy, kasama rin sa “fambonding” ng It’s Showtime sina Chinita Princess Kim Chiu, Jugs Jugueta and wife, at si Vhong Navarro.
Haping-happy naman si Vice na makasama ang kanyang It’s Showtime family, with Ion Perez, sa kabila ng pinagdaraanang karamdaman nito.
Ang It's Showtime ay napapanood mula Lunes hanggang Sabado nang tanghali sa A2Z Channel 11 and digitalized Channel 20, Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel at iba pang digital platforms ng ABS-CBN.








Comments