Inuna ang dream house… SARAH AT MATTEO, 'DI PRIORITY ANG BABY
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 08 , 2021

Mukhang naiinip na ang mga fans at supporters ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Ilang taon na rin kasi silang kasal pero hanggang ngayon ay hindi pa nila sinisimulan ang kanilang “baby project”. Inuna muna nila ang pagpapatayo ng kanilang dream house.
At mukhang hindi nga muna pupuwedeng magkaroon ng baby ang Pop Royalty na si Sarah G. hangga't nakatali pa siya sa kontrata niya sa Viva Artists Agency. Marami pa siyang commitments na dapat tapusin.
Well, ayon naman sa ilang malalapit na kaibigan nina Sarah at Matteo, bentahe kung hindi muna sila magkaka-baby ngayon. Mae-enjoy muna nila ang kanilang bonding. Makakatutok sila sa bagay na gusto nilang gawin.
Umaayon din ang panahon na medyo nag-slow down ngayon ang trabaho sa showbiz.
Magkakasama sila nang madalas.
At tama rin na unahin munang tapusin ang kanilang dream house bago ang kanilang baby project. Bata pa naman sina Sarah at Matteo. Huwag silang magpa-stress sa mga fans na naiinip nang makita ang "Little Sarah" at "Matteo Junior". Excited din silang makita ang hitsura ni Sarah kapag ito ay mommy na.





Comments