Inlab na inlab kuno sa GF, pero… HIRIT NG NETIZEN: SURPRISE VISIT NI GERALD KAY JULIA SA TAPING,
- BULGAR
- Jun 6, 2021
- 1 min read
PANG-YOUTUBE LANG!
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 06, 2021

Sinorpresa ni Gerald Anderson ang girlfriend na si Julia Barretto sa locked-in taping ng aktres sa Subic.
Mukhang in love talaga sa isa’t isa ang celebrity couple. Sobrang na-miss ni Gerald ang girlfriend, hindi nakatiis at pinuntahan ito na ikinagulat ni Julia.
Kaya lang, obyus na hindi pa rin tanggap ng mga netizens ang relasyon ng dalawa.
Komento ng mga ito…
“Pabebe strikes again!”
“Bitter strikes again”
“Basta ang hiling ko lang, 'pag nag-break, eh, ganito din dapat ang bombardment ng info at details dahil du'n din naman ito patutungo.”
May hindi pa rin maka-move on sa isaw isyu kay Julia.
“Dapat pinasalubungan niya ng isaw si pabebe girl.”
“Tama, masaya sila. Kaso ang tanong, HANGGANG KAILAN? HAHAHA! TIME, THE ULTIMATE TRUTH TELLER.”
Ayon naman sa isang netizen, hindi sorpresa ang ginawa ni Gerald, “Dami talagang paandar, eh, ang pagbisita, pang-content lang pala sa YouTube n'ya. Lels.”
Gayunman, may mga kinilig naman sa ginawa ng aktor.
“Kinilig ako, in fair kay Ge, ha!” sabi ng isa.
Kaso, binasag na naman ito ng isa pang netizen, “Mga galawan ni Gerald, jusko, paniwalang-paniwala naman si girl.”
“Sus, kung 'di kayang mawalay kuno, eh, di sana, hindi na tinanggap ni Julia ang project. Alam namang locked-in taping.”
“Staged na staged. May gusto talagang patunayan ang dalawang 'to. Convince us pa.”





Comments