Iniwan para rumampa abroad… HEART, BALIK-GMA-7 SA 2024
- BULGAR
- Aug 16, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 16, 2023

Natupad na rin ang matagal nang pangarap ni Heart Evangelista na mapansin siya ng mga sikat na fashion designers sa Paris at New York.
Dahil sa madalas niyang pagdalo sa mga fashion events doon ay nakakilala siya ng mga sikat na fashion designers at models. Nagkaroon siya ng connection sa mundo at circle ng mga elites sa fashion world at ito rin ang naging daan upang kunin siya bilang endorser/brand ambassador ng mga branded na makeup at beauty products.
Nagawang makipagsabayan ni Heart sa mga sikat na fashion models sa Paris at New York dahil namuhunan siya at rumampa suot ang mga sikat na damit ng mga famous designers. Model na model ang porma ni Heart dahil keri niyang irampa ang kanyang mga branded bags, shoes at iba pa.
Pero sa kabila ng kanyang tagumpay na tinatamasa sa fashion world, hinahanap pa rin niya ang pag-arte tulad ng dati niyang ginagawa.
Mahigit tatlong taon din siyang nagpahinga sa pag-arte. Ang huli niyang serye sa GMA-7 ay ‘yung I Left My Heart In Sorsogon.
Kaya nagtatanong na ang kanyang mga fans kung kailan siya muling mapapanood sa telebisyon?!
Well, pangako ni Heart, next year (2024) ay gagawa na uli siya ng serye sa Kapuso Network at ‘yun ang dapat na abangan.





Comments