top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Iniwan ni Bimby na balik-'Pinas… KRIS, BF NA DOKTOR ANG KASAMA SA TATE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 14, 2024
1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 14, 2024


Showbiz Photo
Photo: Kris Aquino / IG

Nagkalaman na ang mga pisngi ni Kris Aquino sa latest photo niya na lumabas sa X (dating Twitter). Kaya na-happy ang mga netizens na makita ang latest na hitsura ni Kris.


Ang naturang photo na lumitaw sa X ay kuha habang nag-uusap si Kris at bunsong anak na si Bimby via video call. 


Nasa Pilipinas na kasi si Bimby at naiwan naman sa Amerika si Kris. Of course, kapiling ang kanyang bagong boyfriend na doktor.


Ang mga comments sa picture ni Kris na naka-post sa X…


“Miss Kris Aquino. Ang puso ko (heart emoji), sana ay tuluy-tuloy na. Ang glowing tapos medyo okey na hitsura n’ya here. Praying for you, Ms. Kris.”


“Medyo chubby cheeks na si Ms. Kris, sana nga, tuluy-tuloy na.”


“Praise God at nagkakalaman na s’ya. Sana tuluy-tuloy na po.”


In fairness, mukhang naka-recover na nga si Kris Aquino sa kanyang autoimmune disease. Nagbunga rin ang mahigit dalawang taon na pagpapagamot niya sa Amerika.


Saka aminin, iba rin talaga kapag merong nagpapatibok sa puso. Malakas makagamot ang pag-ibig.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page