Iniwan mong mister, Kylie, todo-raket… ALJUR, NAGBEBENTA NA ONLINE NG MGA DAMIT AT SAPATOS
ni Nitz Miralles - @Bida | August 20, 2021

Pinuri ng mga netizens si Aljur Abrenica na pinasok na rin ang online selling at pre-loved clothes and shoes ang kanyang ibinebenta. Masusundan pa siguro ang online selling ni Aljur dahil ang dami niyang damit at sapatos at may mga hoodies pa.
Sa simula pa lang ng live selling, sinabi na ni Aljur na mga damit at sapatos niya ang kanyang ibebenta na hindi na niya nagagamit at nakatambak lang. Sa halip na maluma na lang, mas maganda nga naman kung ibenta na lang niya.
Sabi ni Aljur, “Guys! I’ll be going live later-Tuesday August 17 at 5 PM. I’ll be doing a live selling/auction to some of my pre-loved and even brand new items. Don’t miss it! Baka may ma-type-an ka! See you!!”
Reaction ng netizens, tama ang ginawa ni Aljur, marangal na hanapbuhay at kumita siya ng hindi naglabas ng puhunan dahil matagal na niyang binili ang mga damit at sapatos na kanyang ibinenta.





Comments