Iniwan daw ba ni ex-P-Noy dahil na-plastic surgery lang ang face?...

KORINA RUMESBAK, TINAWAG NA PANGIT ANG BASHER AT PATI MAGULANG
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 11, 2020

Nakatikim nang katakut-takot na bashings si Korina Sanchez matapos siyang mag-post ng congratulatory message sa bagong leaders ng Amerika.
Nag-post si Korina ng larawan nina US President-elect Joe Biden and Vice-President-elect Kamala Harris at sa caption, she wrote, “A new day in America. A new day in the world. Welcome back.”
Of course, hindi ito nagustuhan ng mga supporters ni dating US President Donald Trump na mahigpit na nakalaban ni Biden, kaya naman katakut-takot na pamba-bash ang naranasan ni Ate Koring.
Isang netizen ang inakusahan pa siya na nagpa-plastic surgery.
“Korina, bakit ka binitiwan ni Noynoy? Dahil ba sa plastic surgery ng face mo after your car accident?” komento ng netizen.
Pero palaban si Ate Koring dahil matindi rin ang naging sagot niya sa basher.
“Ahhhh baket ampanget mo? (thumbs down) Dahil ba panget din ang parents mo?” sagot ni Korina.
May nagkomento rin na wala raw alam si Korina sa US politics at sagot naman ng broadcaster/journalist, “Hay. And you obviously weren’t taught by your parents and in school how to RESPECT other people’s choices. So there.”
May netizen na nagtanggol kay Trump at kung ano ang nagawa nito sa American people at sagot naman ni Korina, “I don’t like Trump. Let’s respect each other’s choices, ok?”
Sa gitna ng pambabatikos at pang-aaway ng mga netizens kay Korina ay nagpahayag naman ng suporta si Aiko Melendez sa broadcast journalist.
“Dami bashers ahahahahah. Women empowerment tayo, Ms. K,” ani Aiko.





Comments