top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Iniwan dati para kay Ellen… JOHN LLOYD, AYAW NA NG BABAE, BALIK-SHOWBIZ

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 24, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 24, 2021




Nang pumirma ng kontrata sa GMA Network si John Lloyd Cruz, kitang-kita sa aura niya ang saya at inner peace na matagal niyang hinanap. Wala nang lungkot na makikita sa kanyang mga mata at handang-handa na ngayong harapin ang bagong chapter ng kanyang showbiz career matapos ang apat na taon ng pamamahinga.


Sa interview ni Jessica Soho kay JLC para sa 17th anniversary ng KMJS, inamin ni Lloydie na napagod siya (physically and emotionally) sa 20 years na ginugol niya sa pag-aartista.


Na-burn-out siya sa routine na ginagawa niya araw-araw.


Hindi na raw niya kilala ang kanyang sarili. Naging alipin siya ng kanyang career.


Hanggang sa isang araw ay hindi na niya kinaya ang lahat kaya bigla na siyang exit at tinalikuran muna ang showbiz upang mag-recharge.


At sa kanyang pakikipagrelasyon kay Ellen Adarna ay nagbunga ng isang Elias Modesto na nagpapasaya ngayon sa kanya. Sinusulit ni JLC ang bonding time nilang mag-ama kapag nahihiram niya ang anak kay Ellen.


At this point of his life, it seems hindi prayoridad ni JLC ang kanyang love life. Babalikan niya ang kanyang career na saglit niyang iniwan.


Excited at inspired siya sa sitcom niyang Happy Together na nagsimula nang magteyping. Ito'y mula sa direksiyon ni Edgar Bobot Mortiz.


Walang love interest at leading lady si John Lloyd sa Happy Together, pero, may anak siya sa istorya.


Father role ang gustong gampanan ni Lloydie sa kanyang sitcom upang kahit papaano ay hindi siya mangulila at lagi niyang maalala si Elias.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page