top of page

Ininsulto at pinagtawanan daw ang mga bading…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 4, 2020
  • 4 min read

MOVIE NINA DENNIS, JANNO, JERALD AT ANDREW, IPINATATANGGAL SA MMFF

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 4, 2020




Sa totoo lang, nakakatawa talaga ang old school comedy ng pelikulang Pakboys: Takusa nina Janno Gibbs, Dennis Padilla, Jerald Napoles at Andrew E. mula sa direksiyon ni Al Tantay at prodyus ng Viva Films para sa 2020 Metro Manila Film Festival simula sa Disyembre 25 – Enero 8, 2021. Mapapanood ito worldwide thru Globe Upstream sa halagang P250.


Ibinalik ni Direk Al ang mga lumang estilo ng comedy film na hinahanap-hanap ngayon ng matatanda dahil katwiran nila ay ito ‘yung tipo ng pagpapatawang nakagisnan nila kaysa sa mga usong millennial comedy films ngayon.


Pero hindi lahat ay gusto ang ganitong klase ng pagpapatawa dahil kinondena ni Miss Trans Global 2020 winner Mela Habijan ang eksena sa movie na umiihi ang transgender na hindi matanggap ni Dennis na ang naka-love making niya ay isang gay.


Nitong Disyembre 1 ay nag-post ng open letter niya si Mela na may kinalaman sa pelikula.


“Dear Direk Al Tantay, Viva Films, the creatives, and the main cast of PakBoys: Takusa,

“Naiinsulto po ako! I just saw the trailer of your movie. Honestly, basing from the title, I already had an idea of what it would be about — toxic masculinity.


“True enough, the first 10 seconds of your trailer presents a transwoman peeing while standing. And then Dennis Padilla is seen bothered and feeling victimized by sleeping with her.


“Nakakapanliit kasi ginagawa n'yo na namang katatawanan ang pag-ihi namin!

Nakakainsulto kasi ginagawa ninyong katatawanan ang katawan namin. Nakakagalit dahil pinagtatawanan ninyo ang pagiging transwoman namin.


“Ano ang nakakatawa sa ipinanganak na may t*ti pero ang isip at puso ay babae? Sa nakatayong umiihi? Sa pakikipagtalik sa transwoman?


“I pity you, because as the world has evolved, you are still stuck in your discriminatory, slapstick, LGBTQIA-phobic comedy.


“At habang may galit at lungkot, may awa. I pity you, because as the world evolved, you are stuck in your trashy, slap stick, LGBTQIA-phobic comedy.


“Pero habang mukha kaming katawa-tawa sa inyo, as a trans writer and actress, I commit: Babawiin namin ang kuwento namin! Hindi n'yo hawak ang katawan namin. Hindi n'yo hawak ang komedya namin. Hindi n'yo hawak ang pagkatao namin! We will fight back and end your toxic masculinity.


“PS. I hope the MMFF upholds their criteria on gender sensitivity and gender inclusivity. Given the transphobic scene, they will be sending a wrong message to the audience about us. Thus, this film must be disqualified from the festival.”


Kaagad namang nagpaliwanag ang apat na Pakboys.


Say ni Jerald, “Hindi naman nila napapanood pa, so hindi nila alam‘yung buong eksena. So, kung anuman ‘yung ipinakita mo online, nakakahon doon ang opinyon ng tao at hindi mo na rin mae-explain kung ilang libo silang nagreklamo, so thank you sa comment.”


“Ako naman, I think it’s clear na this is not a movie na para hanapan n’yo ng life lesson and correctness. I think we have a lot of other movies sa filmfest na makakahanap kayo ng ganu’n. This is purely humor, so, this is a straight out comedy, this is not a heartwarming movie, this is not maraming lessons. Talagang straight pagpapatawa lang. We are very sorry alam naming may mga na-offend, this is not a politically correct movie,” seryosong paliwanag ni Janno.


Hirit naman ni Dennis, “Well kung napanood naman ninyo ang buong eksena, sexy at may bed scene kami kaya matutuwa rin ang LGBT kasi nag-make love kami.”


Saka, inamin ng aktor na hindi niya puwedeng bastusin ang LGBT dahil ang anak niya ay ikinasal sa kapwa nito babae sa California.


“My daughter is married to a woman in the States. My eldest daughter Dianne, who is 30 years old is married to Katx who is also a woman. And I respect them because mahal ng anak ko, eh.


“So, nang ikasal sila sa Amerika, I was happy for them. And I don’t think na ako pa ba ang babastos sa LGBT, eh, ‘yung daughter ko, asawa, babae.”


Sumagot kaagad si Mela sa kuwento ni Dennis na respetado niya ang LGBT dahil nga miyembro ang anak niya nito.


“Dear Dennis Padilla,

“I celebrate with you for having an LGBTQIA+ child, however, you never use this to justify the transphobia and misogyny of your film.


“But, putting my anger aside, let me take this opportunity to educate you on why your film is transphobic.


“First, it reiterates the idea that trans women are deceiving men. Base sa reaksiyon ng iyong character, nagulat at nanlumo ito nang nalaman niyang transwoman ang kanyang nakasiping. May pandidiri. May pakiramdam na niloko at naisahan.


“Ang reaksiyong ito ay maglalabas ng ideyang: “Kadiri! Pumatol siya sa bakla!” Kakabit nito ay ang ideya pa na kapag pumatol ang lalaki sa transwoman, bakla na siya. Na kabawasan ito sa pagkalalaki niya. Na hindi kamahal-mahal ang mga transwoman.


“And with all due respect, Sir, please don’t take pride of the love making scene, because your character is married. It is cheating!


“Higit pa rito, ipinapakita nito kung bakit kami pinagtatawanan at hinahamak ng mundo dahil ipinanganak kaming may t*ti.


“Na kahit anong gawin namin, dahil transwomen kami, hindi namin deserve ang respeto. Katawa-tawa kami, kabastus-bastos kami, at hindi kami katanggap-tanggap.


“At marahil, hindi mo ito maiintindihan kasi lalaki ka. Sa mata ng mundo, normal ka.


Pero ito ‘yung laban na hindi namin bibitawan. We will patiently educate. Because just like any person, we trans people deserve respect for our truths, for our choices, and for being us.”


Sa ngayon ay umabot na sa 25M views ang trailer ng Pakboys: Takusa sa social media ng Viva Films.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page