Inihatid daw sa bahay ni Mikael… ANDREA, PINAGSELOSAN NI MEGAN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 8, 2020

Bukod sa maganda at sexy, umaapaw din ang sex appeal ng Kapuso actress na si Andrea Torres. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung maraming kalalakihan ang nagpapantasya sa kanya at pinangarap siyang maging girlfriend.
Kahit sinong guy, tiyak na magiging proud na makarelasyon si Andrea. She's a trophy girlfriend. Maging ang ilang Kapuso actors na nakapareha niya sa ilang serye ng GMA-7 ay hindi maiwasan na ma-attract sa kanya.
Mabait at napaka-sweet kasi ni Andrea kaya nahuhulog ang loob ng kanyang mga nagiging leading men. At isa na nga rito si Mikael Daez na nakapareha niya sa isang serye ng Siyete.
Balitang-balita na nagselos kay Andrea ang GF pa lang noon ni Mikael na si Ms. World Megan Young. Inihahatid daw kasi ni Mikael si Andrea sa bahay nito kapag tapos na ang kanilang teyping. Kaya, hindi maiaalis na ma-insecure at pagselosan siya ni Megan.
Pero, naging open at honest naman si Mikael at sinabing wala silang naging relasyon ni Andrea Torres bukod sa pagiging magkaibigan lang.





Comments