Inggit much sa mga kaibigan… LUIS, ATAT NA ATAT NANG MABUNTIS SI JESSY
- BULGAR
- Mar 27, 2021
- 3 min read
Julie Bonifacio - @Winner | March 27, 2021

Panay ang display ng suot na identical rings nina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa bagong video ng mag-dyowa sa YouTube channel ng dating Kapamilya actress.
Sa kabuuan ng "Most Likely To with My Howhow (Luis)" vlog uploaded sa YT channel ni Jessy kahapon, pansin na pansin ng mga netizens ang suot nilang singsing.
"Oi kasal na nga sila...saw the ring."
"The ring is the testimony that they are married....congrats."
"Ang wedding ring, spotted kay Luis daliri...."
Marami rin ang nakapansin sa dalawang singsing na suot ni Jessy. 'Yung isa ay ang engagement ring niya worth almost P5M at 'yung isa ay gold ring.
"Dalawa na ang singsing ni Jessy, may wedding ring na rin si Luis. Kasal na sila! Congrats!"
Their guess is as good as ours too. Ilang beses kaming nag-message sa aming source regarding sa news na ikinasal na sina Luis at Jessy last month. Hindi nag-reply ang aming source but it is understandable. Kailangan siyempre, kina Luis at Jessy mismo manggaling ang kumpirmasyon.
But then again, may kasabihan sa showbiz na "Silence means yes."
At sa nakaraang message ni Luis na inilabas namin dito sa BULGAR, sinabi naman niya na "sooner than we think" kung kailan magaganap ang wedding nila ni Jessy.
Obvious din na dinadahan-dahan nina Luis at Jessy ang pagri-reveal nila sa public that they are now Mr. & Mrs. Luis Manzano gaya na lang ng recent vlog ni Jessy sa kanyang YT channel.
May mga "patikim" muna ang dalawa. And then, 'pag marami nang clamour for the grand reveal, saka nila iko-confirm or idi-deny.
Bukod sa identical rings na suot nila, usapang mag-asawa na rin ang na-discuss sa vlog. Kumbaga, just 'read between the lines' ang mga pinakawalang dialogues nina Luis at Jessy lalo na sa usaping anak, who's messier at home, sa pag-amin ni Jessy na siya ang pinakaselosa sa "pamilyang ito," ang mga damit ni Luis sa closet at ang damit ni Luis na nakakalat sa bahay.
"Siya talaga ang makalat sa bahay especially 'pag galing siya sa labas, tapos maghuhubad siya ng damit niya. 'Yan lahat, pantalon niya, t-shirts niya, hinahabol ko siya habang papunta siya ng kuwarto. Siya talaga 'yun," pambubuking ni Jessy kay Luis.
Napansin din namin sa vlog nu'ng ma-mention ang daddy ni Luis na si Edu Manzano, matunog na 'Daddy' na ang tawag ni Jessy kay Doods.
Ang naging interesting din para sa amin na usapan nina Luis at Jessy sa vlog ay sa tanong na "Who wants to have kids first?"
Aminado si Luis na siya 'yung gustung-gusto nang magkaanak.
"Given naman na 'yun. Siyempre, hindi naman ako bumabata. Magtu-25 na ako," say ni Luis na tinutulan ni Jessy.
Kontra ni Jessy, "Waah, mas matanda pa ako sa 'yo? Next month, magpo-40 na siya (Luis)."
Seriously, gusto na raw ni Luis magkaroon ng anak dahil sa mga tropa niya na laging bitbit ang pamilya kapag nagge-get-together sila.
"Kumbaga, sa buong barkada ko, sabihin na natin, mga kinse kami, parang 12, 13, malalaki na nga ang mga anak, actually. Tapos, 'yung daddy ko, nu'ng ipinanganak ako, nasa mga 28 yata, same age sina Mommy at Daddy yata. Marami kaming nae-enjoy ni Daddy together, even at this point, hindi ba? So, parang 'yun din ang habol ko. 'Yung anak natin, marami pa kaming magawa," paliwanag ni Luis.
Binigyan naman ng assurance ni Jessy ang pag-amin ni Luis na gusto na niyang magkaroon ng anak.
"Hayaan mo... soon naman na," pagkatamis-tamis na sabi ni Jessy kay Luis.
Pinaghalong kilig at excitement sa magiging baby nila ang naging reaksiyon ng mga netizens sa mga sinabi nina Luis at Jessy sa vlog.
"Waiting the HOWHOWS!!"
May nag-request din na ang susunod na i-vlog ni Jessy ay ang wedding video nila ni Luis.
Marami rin sa mga netizens ang nakapansin sa bagong glow sa mukha ni Luis. Mas guwapo raw si Luis ngayon.
For sure, pinaka-happy sa wedding nina Luis at Jessy ang kanilang 'Momskie' na si Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto. Malapit nang matupad ang kanyang wish na magkaroon na ng apo kay Luis.
Congrats, Luis and Jessy!





Comments