Incentives ng gold medalist, aabot na sa P100 M…PACQUIAO, BIBIGYAN NG DATUNG SI YULO
- BULGAR
- Aug 11, 2024
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 11, 2024

Madaragdagan ang cash na matatanggap ni Carlos Yulo (Caloy) sa dami pa ng magbibigay sa kanya. Ang pinaka-latest na magbibigay ng cash kay Caloy ay si Manny Pacquiao, pero hindi na nito sinabi kung magkano ang kanyang ibibigay na galing sa kanyang bulsa o vault.
“Meron din siguro, pero para sa akin, personal ko na siguro ‘yun. Hindi na natin ia-announce,” sabi ni Manny nang ma-interview sa formal launching ng MVPA o Maharlika Pilipinas Volleyball Association.
Maaalalang nagbigay din ng cash si Manny kay Hidilyn Diaz nang manalo ito ng silver medal at gold medal noong 2016 sa Rio De Janeiro Olympics at Tokyo Olympics noong 2020.
Tama ba kami na malapit nang umabot sa P100M ang cash na matatanggap ni Caloy?
And more are coming, may condo pa, house and lot, may car pa yata at maraming freebies na bigay ng mga restaurants.
Puwede nang hindi siya magluto for one year, punta na lang si Caloy sa restos na nag-offer ng lifetime dining. Pati nga kakanta sa kasal nila ni Chloe San Jose, ililibre na sila ng Moonstar88 band.
Sana, ang ibang atletang Pinoy, kahit ‘yung hindi mga nanalo at nakasama sa Paris Olympics, maambunan ng mga generous sponsors. Siguradong malaki ang pasasalamat ng mabibigyan ng cash incentives, ‘wag naman puro kay Caloy.
Sa Tuesday na babalik ng bansa si Carlos at naghahanda na ng bonggang pa-welcome ang Manila. Abangan natin kung kasamang sasalubong o sasama sa kanyang parade ang kanyang mga magulang at kapatid.
Bukas na, August 12, ang 40th birthday ni Marian Rivera pero wala sa hitsura niya ang kanyang edad. Kaya maririnig ang mga comment na “You don’t look your age” at “With Marian, 40 is the new 20s” dahil nga she looks young. Pati nga katawan nito, batang tingnan.
Kaya lahat ay napahanga sa pagbabalik niya bilang endorser ng Bench Active dahil fit na fit si Marian, walang tiyan at ang makikita ay ang kanyang abs.
Inaabangan na ang TVC at billboard ng aktres at handa na ang kanyang mga fans na kumuha ng video at photos kapag may billboard na siya.
Nakakatuwa ang reaksiyon ng mga fans sa kanyang latest endorsement. Nakaka-p**ang ina raw na every week na lang ay may bago siyang endorsement. Sigurado sila na may mga endorsements pang susunod ang aktres.
Samantala, napakagandang birthday gift kay Marian ang box-office success ng Balota at lahat ng screenings ay sold-out. Nagdagdag pa nga ng schedule sa last screening today at may mga nagre-request na i-extend ang showing nito.
May mga nagre-request din na ipalabas sa SM Cinemas at iba pang cinemas ang Balota, sa mas accessible malls daw at sana nga ay pakinggan. May nabasa kami sa Facebook (IG) page ng nasabing pelikula na, “May pasabog kami, soon!”
Sana ang pasabog na binanggit ay para sa extension ng Balota at request sa Cinemalaya at GMA Pictures at GMA Entertainment Group na ipalabas ang pelikula sa SM Malls, Robinsons Malls, Gateway at iba pang cinemas.
Sa isang interbyu naman, natanong si Marian Rivera kung paano niya ise-celebrate ang kanyang birthday. Ang sagot nito, “Aalis kami.”
Hindi na binanggit kung saan sila pupunta dahil isang kembot lang daw, nakabalik na silang mag-anak at ang iba pa nilang makakasama sa kanyang birthday trip.
Ang daming nag-react sa ipinost na photo ni Popoy Caritativo na kasama niya sina Aga Muhlach at Janice de Belen. Nagkita-kita sila sa wake ni Mother Lily at dahil okey naman sina Janice at Aga, pumayag na magpakuha ng larawan na magkasama.
Simple lang ang caption ni Popoy sa post na “Aga and Janine. Suddenly, I’m 15 years old again,” pero marami ang naka-relate. May kinilig (nag-sorry ang mga kinilig kay Charlene Gonzalez-Muhlach) at may nai-share silang tsika.
May nakaalala na nakita niya ang pet name ni Aga na “Morning” sa CR ng school, kung saan nag-high school si Janice. Ibig bang sabihin, si Janice ang nagsulat nu’n?
May mga nagkuwento pa na may album siya na puro clippings nina Aga at Janice.
Si Popoy ngayon ang kinukulit ng mga nagre-request na fans nina Aga Muhlach at Janice de Belen na sana, magkaroon ng project ang dalawa. Sa TV man o sa pelikula, sasaya raw sila kapag may reunion project sina Aga at Janice.
Comments