Inatake raw ng anxiety, nagpadoktor… JED, FEELING WALA NANG SILBI
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 6, 2021

Sa panayam kay Jed Madela ni Ogie Diaz para sa YouTube Channel ng huli, inamin ng singer na nagkaroon siya ng anxiety attack.
“My doctor told me that you know, everybody goes through this situation. It just so happened siguro na masyadong magnified lang ‘yung sa atin, kasi we’re in the entertainment industry.
'Yun nga, sabi ng doktor ko, I am easily stressed out by a lot of things especially when I start to think,” sambit ng singer.
Aniya pa, naiisip din daw niya minsan kung may silbi pa siya sa music industry dahil ang dami-rami na raw nagsusulputang magagaling na singers, kaya ang bilis na raw ng kompetisyon.
Mahilig mag-post sa kanyang social media account si Jed. Doon daw niya inilalabas ang kanyang nararamdaman at saloobin.
Kung ano raw ang nababasa ng mga tao sa kanyang mga posts, 'yun ang tunay na siya.
Aminado naman ang singer na nakakatulong sa kanya ang kuwento ng musika ng sikat na Korean group na BTS dahil nakaka-relate umano siya sa mga ito.





Comments