Inaresto sa syndicated estafa… HABAMBUHAY NA KULONG KAY RICARDO CEPEDA
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 09, 2023

Inaresto ang aktor na si Ricardo Cepeda, 57-anyos sa kasong syndicated estafa under Article 314 of the Revised Penal Code in relation of Presidential Decree 1689 ng Quezon City Police District nitong Sabado, 11 AM sa isang Restobar sa 101 A. Mabini Street, Maypajo Caloocan City.
Richard Cesar Go ang tunay na pangalan ng aktor at sa kasalukuyan ay napapanood siya sa Kapamilya series na FPJ’s Batang Quiapo sa karakter na Richardson Wu kasama ang asawang si Marina Benipayo.
Base sa report ng One News ay hindi na pumalag si Ricardo nang hainan siya ng warrant of arrest ng QCPD Warrant section sa pangunguna ni P/Capt. Joseph Valle na inisyu ng Sanchez Mira, Cagayan Regional Trial Court Branch 12 ni Executive Judge Gemma Bucayu-Madrid.
Inilabas na ang mugshot ng aktor sa publiko at base sa Presidential Decree 1689 ay posibleng makulong nang habambuhay kapag napatunayang guilty siya sa kasong syndicated estafa.
Kasalukuyang nakakulong si Ricardo sa QCPD headquarters ng Camp Karingal.
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang official statement ang kampo ni Ricardo Cepeda at bukas ang BULGAR sa panig ng pamilya.

Pasabog na pagganap ang ibinigay ni Jane Oineza sa Nag-Aapoy Na Damdamin na binigyang-puri ng online viewers, partikular na sa eksena kung saan natuklasan ni Claire (Jane) ang kanyang tunay na katauhan bilang asawa ni Lucas (Tony Labrusca) na si Olivia.
“She totally nailed it and really deserves an international award,” ani ng isang X user na pumuri sa bigating eksena ni Jane noong Miyerkules (Oktubre 4) pagkatapos manumbalik ang kanyang alaala.
“The breakdown scene is on point. Sarap ng sigaw niya. Parang ikaw din nabunutan ng tinik sa dibdib,” sabi ng isa pang X user.
“Hindi talaga sila nagkamaling si Jane Oineza ang lead role rito, deserve niya dahil napakagaling niyang artista,” post naman ng isang netizen sa YouTube.
Dala ng kanyang gigil para maghiganti, haharapin ni Claire ang mga kasinungalingan ni Philip (JC De Vera) habang patuloy na magpapanggap bilang asawa nito.
Sa kanyang pag-uungkat sa madilim niyang nakaraan, mananatili kaya si Claire sa piling ni Philip o babalikan niya ba ang unang asawa niya na si Lucas?
Samantala, maghahatid naman ng saya at good vibes ang cast ng Nag-Aapoy Na Damdamin kasama sina Karina Bautista at Aljon Mendoza ngayong Sabado (Oktubre 7) sa KCC Mall of GenSan (5pm) at KCC Mall of Marbel (8pm).
Huwag palampasin ang maiinit na eksena ng Nag-Aapoy Na Damdamin mula Lunes hanggang Biyernes, 3:45pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.





Comments