top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Inamin ang type sa lalaki…. YASSI, ATAT NANG MAGKAROON NG SARILING PAMILYA

BULGAR
May 28, 2022
1 min read

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | May 28, 2022



At the age of 27, gusto na rin pala ni Yassi Pressman na magsimulang bumuo ng pamilya.


Inamin niya ito sa chikahan with the press people after ng presscon para sa Season 2 ng kanyang game show sa TV5, ang Rolling In It Phils. na magsisimula na uling mapanood ngayong Sabado, 7:30 PM.


Sa ngayon, mukhang may nagpapasaya naman kay Yassi pero ayaw pa niyang aminin ito at mukhang ine-enjoy lang muna niya ang kilig. Kahit anong piga sa kanya ng press people para magbigay ng clue kung sino ang guy, tikom ang bibig ni Yassi.


Kaya naman tinanong na lang namin kung ano ba ang mga qualities na hinahanap niya sa gustong makarelasyon.


"Honestly, funny, kind, family values, can make me laugh, proud of me, who would change me, who would be with me through any adventures up and down," pag-amin ni Yassi.


So, sa mga fans ng aktres-TV host, alam n'yo na!


Anyway, happy and thankful si Yassi na siya uli ang host ng Rolling In It Phils.


Season 2 at pramis niya, mas magiging open siya ngayon to more possibilities na makakapag-improve pa ng kanyang hosting skills sa game show.


Masaya rin siya na muli silang nagkasama ng kanyang BFF na si Nadine Lustre na isa sa mga guest contestants sa pagbabalik ng Rolling In It Phils. sa TV5.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page