top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Inalok ni P-Digong… WILLIE, BABU SA TV KAPALIT NG PAGTAKBO SA 2022

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2021
2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 6, 2021





Bagama't flattered si Willie Revillame nang malamang sinusubaybayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginagawa niyang pagtulong at pagbibigay ng ayuda sa panahon ng kalamidad at pandemya, hindi naman madali para sa kanya ang gagawing desisyon ngayong inalok siya ng pangulo na pasukin ang pulitika upang mas lumawak pa ang kanyang magagawa para makatulong sa mahihirap.


Hindi ito simpleng desisyon lang dahil maiipit si Willie sa importanteng bagay na mahal na mahal niya. Kung sakali kasi na tatanggapin niya ang offer ni P-Duterte na tumakbo sa mataas na posisyon at sumama sa kanilang partido, kailangan ni Willie na iwan-bitawan ang programa niyang Wowowin/Tutok To Win na milyones ang viewership.


Paano na ang mga viewers na sa kanya lang nakakakuha ng pag-asa upang maka-survive sa pandemya? Paano ang mga taong araw-araw niyang napapasaya sa kanyang programa? Handa ba si Revillame na i-give-up ito?


Dati nang sinasabi ni Willie na bukal sa loob niya ang pagtulong sa mga nangangailangan. Bahagi ito ng kanyang pagse-share ng blessings sa mga biyaya at suwerteng dumarating sa kanyang buhay.



Hindi siya naghihintay ng anumang kapalit at kabayaran sa kanyang ginagawang pagtulong.


Wala siyang political ambition at ilang beses na siyang tumanggi noon sa mga taong handang mag-back-up sa kanyang kandidatura.


Pero minsan, may mga kaganapang hindi inaasahan. Hindi siya diretsahang tumanggi at naging malaking palaisipan sa kanya ang sinabi ni Pangulong Digong na “Keep your options open."




So, kailangang mag-isip at timbanging mabuti ni Willie ang lahat ng pros and cons sa kanyang gagawing desisyon.


Napapagod na rin siya at nagkakasakit sa pag-aasikaso sa Wowowin/Tutok To Win. At his age, dapat ay bawasan na rin niya ang stress at sobrang pag-iisip. Pero, mahal na mahal niya ang mga loyal viewers ng Wowowin. Magaan sa kanyang pakiramdam na marami siyang natutulungan.


Kailangan ba ni Revillame na sumangguni at humingi ng advise sa mga loyal viewers ng Wowowin/Tutok To Win kung dapat ba siyang pumasok sa political arena sa darating na 2022 election?


Sa ngayon ay nakapagtala na ang Wowowin ng 22 M followers sa Facebook, Twitter at YouTube. May sapat nang bilang upang manalo sa anumang posisyon. Pakikiramdaman ni Kuya Willie ang pulso ng kanyang mga viewers bago siya gagawa ng final decision.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page