Inalok ng ibang network, tumanggi… ANGELINE: HINDI KO KAYANG IWANAN ANG KAPAMILYA!
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 15, 2021

Lumipad na patungong Amerika ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto. Special guest kasi si Angeline sa concert ng It's Showtime host na si Vice Ganda. This is the first time na nakaalis muli ng Pilipinas si Angeline since nag-start ang pandemic.
Pero bago umalis ng 'Pinas, nakausap namin si Angeline sa mediacon para sa kanyang bongga at kakaibang concert for her 10th anniversary sa showbiz billed as 10Q.
"Mga dalawang linggo ako doon. After ng concert ni Ate Vice, baka pumasyal lang nang konti pero hindi naman malayo. Mahirap din kasi at hindi porke't okey na sa Amerika, eh, gagawin ko na lahat ng gusto kong gawin. Kailangan pa ring mag-ingat," pahayag ni Angeline.
Ang 10Q ay 10-part concert series ni Angeline na magaganap sa new and improved MET Theater (dating Metropolitan Theater) simula Oct. 29, 2021 hanggang February 19, 2022.
Si Angeline ang kauna-unahang music artist sa kasaysayan na magko-concert sa newly renovated at makasaysayan ding MET Theater.
Si Angeline rin ang producer ng 10Q kaya biniro namin na ang yaman-yaman na niya talaga.
"Grabe naman. Hindi naman marami. Pero dapat lang. Saka, bakit naman hindi? Eh, since may pandemic po, at mahirap gumawa ng show ngayon. Uh, sampung taon kasi, hindi naman, kumbaga kapag lumipas ang sampung taon na ito, hindi ko na mababalikan, eh. Tingnan n'yo, kahit na may nangyayaring ganyan sa paligid natin, marami pa rin talagang dapat ipagpasalamat, 'di ba?"
Sa unang gabi ng concert, no less than the Asia's Songbird Regine Velasquez ang kanyang special guest. Ang iba pang guests ni Angeline ay sina Vice Ganda, Luis Manzano, Andrew E. at marami pang iba.
Siyempre, sa 10 years ni Angeline sa showbiz, marami na rin siyang na-invest gaya ng bahay niya at mga negosyo.
Tinanong namin si Angeline if true na may bago siyang ipinapatayong bahay.
Paglilinaw niya, "Hindi, Tita Julie. Pero 'yung ipinapatayong bahay, actually, ipinapa-renovate lang po 'yun. Eto 'yung bahay na dati kong kinalakihan sa Sampaloc kung saan po ako ipinanganak. Kay Mama Bob po talaga 'yun. Naiwan po niya sa akin. So, ipinapa-renovate ko lang para mapaupahan namin nang maayos. Kasi paupahan talaga 'yun."
Ini-reveal din ni Angeline na isa sa mga lowest point of her life bukod sa pagkamatay ng kanyang Mama Bob ay nu'ng na-deny ang franchise ng ABS-CBN.
"Siyempre, 'yung nawala ang Mama, unang-una 'yun. Uh, peak siya, kasi 'yung pagkawala ng Mama, apektado lahat, 'di ba? Pati trabaho ko, hindi ko na alam kung paano gagawin 'yung mga trabaho.
"Pero ang masasabi ko po, nu'ng time po na nag-shutdown na ang ABS-CBN, kasi siyempre, eh, nu'ng nag-shutdown ang ABS-CBN, may mga ibang networks din naman po na nag-offer sa akin. Parang doon, parang nalilito ako," kuwento ni Angeline.
Isa lang daw ang na-realize niya sa moment na 'yun.
"Hindi ko pala kayang iwanan 'yung mga taong unang nagtiwala sa akin. Parang 'yun 'yung nangibabaw sa puso ko na, kasi ganoon po, eh. Kapag meron akong major decision na gagawin sa buhay ko, lalo na wala na ang Mama Bob, siyempre, ako na lang mag-isa 'yung nagdedesisyon para sa akin, uh, pero meron din naman po akong management, pero iba pa rin 'yung sa sarili ko, 'di ba? So, 'yun.
"Parang nu'ng nangyayari ang mga bagay na 'yan, itong network na ito, gusto ako. May offer din, ganyan. Sabi ko, 'Saan ako pupunta?' Hindi ko alam. So, ipinag-pray ko lang.
"Ipinagdasal ko lahat. Humingi rin ako ng tulong sa Mama Bob ko, kung saan niya ako gusto rin. Hanggang sa na-realized ko lahat na mananatili ako sa Kapamilya. Hindi ko kayang iwanan 'yung pamilya ko na nagkaroon lang ng problema, eh, aalis na ako. Hindi ko kaya 'yun. Ever since naman, 'yan ang weakness ko. Never kong naranasan ang magkaroon ng pamilya. So, nu'ng nag-"kapamilya" ako, hindi ko kayang iwan 'yun."
Anyway, mabibili na ang ticket para sa 10Q via www.ktx.ph.
Ang concert ay mapapanood sa Oct. 29 and 30, Nov. 26 at 27, Dec. 25 at 26, Jan. 28 at 29, Feb. 18 at 19 sa ilalim ng direksiyon ni Dido Camara at Marvin Querido bilang musical producer. Mapapanood ang 10Q online exclusively sa KTX, iWantTFC and TFC IPTV.





Comments