top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Inako ang hiwalayan nila… HIRIT NI MARIS: 'WAG KAYONG MAGALIT KAY RICO!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 14, 2024
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida  | July 14, 2024


Showbiz News
Photo: Rico Blanco / FB

Nakiusap si Maris Racal na no hate for Rico Blanco sa breakup nila at siya na lang daw ang i-hate at i-bash na rin. 


Granted ang request ni Maris dahil based sa mga comments na nababasa namin, kay Rico ang sympathy ng majority ng mga netizens.


May mga comments na sikat na raw si Maris at hindi na niya kailangan si Rico. Alam

daw ng mga netizens na hindi sila magtatagal dahil sa age gap nila. 


Kahit daw sabihing hindi naging factor ‘yun sa simula ng kanilang relasyon, apparently, sa pagdaan ng mga araw, naging factor din ang age gap nila.


Si Rico rin ang pinayuhan ng netizens na he will find the one or the right one for him. May mga nag-wish pa nga na magkabalikan sila ng isang sikat na celebrity lalo na at single na rin ito ngayon at hindi nagkakalayo ang kanilang edad.


Samantala, may mga pumipitik din naman kay Rico, para raw siyang Gen X o Gen Z sa ginawa niyang pagpo-post ng song ng Rivermaya na Kisapmata na actually, wala namang masama sa ginawa niya. Parang nasa lyrics daw ng song ang clue ng kanilang breakup.

       


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page