top of page
Search
  • BULGAR

Inaayawan ng fans para kay Kathryn… ECHO, MASYONDA NA, HIWALAY PA SA ASAWA

ni Nitz Miralles @Bida | February 28, 2024





Habang patuloy na nakikitang magkasama sina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo, dumarami ang kanilang shippers. 


Marami nga ang natuwa nang makita ang photos na magkasama sila sa another bonding with Mr. Johnny Manahan and Mariole Alberto. 


Kahit kasama nila sina Bea Alonzo, Jake Ejercito, Donny Pangilinan at Piolo Pascual, na-focus ang mata ng mga fans kina Jericho at Kathryn. Sa group picture nga nila, nakatuwaang i-crop sa photo ang ibang kasama at iniwan sina Jericho at Kathryn. 


Dumarami rin ang request na project for the two, pelikula man o TV series, at nakiusap ang mga fans na bilisan na ng ABS-CBN dahil marami silang naghihintay. 


Ang iba nga, nag-request na si Jericho ang ipareha kay Kathryn sa pelikula nitong Elena 1944 kung wala pa raw final casting. 


May mga hindi rin naman pabor na isini-ship si Kathryn kay Jericho dahil sa age gap at dahil nagkaroon na ng asawa ang aktor. Sana raw, kung muling magbo-boyfriend si Kath, ‘yung binata at malapit sa kanyang edad. 


O, ‘di ba, ang daming pala-desisyon sa mga fans? But of course, si Kathryn pa rin ang masusunod kung sino ang next guy na kanyang mamahalin.



 

Ex-mister mo, Carla, balik-showbiz na… TOM, PINAGKAKAGULUHAN PA RIN




May bagong Instagram account si Tom Rodriguez na may 12 posts pa lang at wala pang 1K ang mga followers dahil hindi pa alam ng mga fans. Wala pa ring gaanong ipino-post si Tom, puro reels kung saan kumakanta siya.


Nag-post ito ng isa niyang show sa Antique at makikitang pinagkaguluhan ang nagbabalik na aktor. Wala rin kaming nabasang negative comments at walang nakapasok na bashers, kaya "padayon lang" (read: sige lang), Tom.


Merong mga nagre-request kay Tom na sa lugar naman nila ito bumisita. At bakit nga hindi, habang hindi pa siya gumagawa ng series o pelikula. Tanggapin ang mga invitation to perform sa mga provinces.


Ang dami naming nabasa na nagsasabing guwapo pa rin si Tom, lalo’t nakapagpahinga nang matagal sa Amerika. Marami rin ang nagsabi na kahit nakangiti, kita pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. Ramdam din sa kanyang mga mata ang pinagdaanan ni Tom.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page