Ina ng bata, Kana… ALBIE, UMAMING ABSENT NANG IPANGANAK ANG UNANG BABY
- BULGAR
- Jan 30
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Jan. 30, 2025
Photo: Albie Casiño - Instagram
Pag-amin ni Albie Casiño, hindi madali ang pagiging ama, pero tanggap niya ang bagong journey sa kanyang buhay.
Alam ng lahat sa industriya ang pagsubok na dinaanan ng aktor noong kanyang kabataan — ang pagkakaroon niya ng relasyon sa aktres na si Andi Eigenmann.
Andi got pregnant at siya ang itinurong ama na itinanggi ni Albie. Later on, nalaman din ang buong katotohanan na si Jake Ejercito pala ang tunay na ama ng panganay ni Andi.
Last year, opisyal na inanunsiyo ni Albie na siya ay ama na. In-introduce niya ang anak na si Roman sa kanyang social media kasama ang kanyang non-showbiz girlfriend.
Nakapanayam ang aktor kamakailan at base sa artikulo ng GMA Entertainment, na-excite siya nang unang makita ang anak.
“I wasn’t there when he was born kasi American ‘yung mom n’ya, eh, so du’n na nanganak. So, after this shoot Sampung Utos kay Josh (SUKJ), lumipad na ako and two months old na s’ya nu’n,” pahayag ni Albie.
Nang matanong ang experience niya being a first-time dad, aniya, “Grabe, ang hirap pala, pero sobrang fulfilling.”
Masaya raw pero nakakatakot dahil may worry din siyang nararamdaman, lalo na nang magkaroon ng flu ang anak nitong pagpasok ng 2025, kabilang siya at ang ibang miyembro ng kanyang pamilya.
Right now, Albie shared that he is determined to work for Roman, tulad ng kanyang challenging role sa bagong movie na SUKJ na isang comedy film.
“So, nagawa ko ito and it’s a new challenge. And I feel that I was in a good position kasi mga totoong komedyante ang mga kasama ko, ‘di ba? I’d like to do another comedy,” pakli ni Albie Casiño.
NAGKAPIRMAHAN na ang GMA at ABS-CBN para sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition Collab. Ginanap sa Bahay ni Kuya ang contract signing ng dalawang networks.
Dumalo sa pirmahan ang mga opisyal ng dalawang networks, kabilang sina GMA President Gilberto Duavit, Jr. at ABS-CBN President Carlo L. Katigbak.
Tampok sa edisyong ito ang pagsasama ng Sparkle at Star Magic artists bilang mga housemates.
Ipapalabas ang PBB sa GMA Network sa unang pagkakataon bilang bahagi ng ika-20 anibersaryo nito ngayong 2025.
Ayon kay GMA Senior Vice-President Atty. Annette Gozon-Valdes, “Pinoy Big Brother is a cultural phenomenon. It celebrates real, no-filter life stories and serves as a launchpad for dreams. Abangan n’yo ang pagsasama ng mga Kapuso at Kapamilya housemates sa teleserye ng totoong buhay.”
Ang proyektong ito ay patunay ng pagsasanib-puwersa ng dalawang higanteng networks upang maghatid ng kasiyahan at inspirasyon sa mga Pilipino.
Ang PBB ay isang reality TV show sa Pilipinas na ibinase sa international franchise na Big Brother.
Sa palabas na ito, isang grupo ng mga housemates ang ikinukulong sa loob ng isang bahay na tinatawag na ‘Bahay ni Kuya’ at mino-monitor 24/7 gamit ang mga camera.
Wala silang komunikasyon sa labas, at sumasailalim sila sa iba’t ibang tasks at challenges na iniuutos ni ‘Kuya’, ang misteryosong boses na gumagabay sa kanila.
Comments