top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg

Last na raw niya… REGINE, HINAPLOS ANG STAGE NG MOA SA FINALE CONCERT

Writer: BULGAR
BULGAR
9 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | October 23, 2026



BULGARY - REGINE, HINAPLOS ANG STAGE NG MOA SA FINALE CONCERT_Tiktok Circulated

Photo: Tiktok Circulated



Tapos na ang FINALE concert, pero pinag-uusapan pa rin ang emosyonal na pamamaalam ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.


Sa huling gabi ng show, tumagos sa puso ng mga fans ang tagpong hinaplos ni Regine Velasquez ang stage ng SM Mall of Asia (MOA) Arena.


Sa simpleng paghaplos ni Regine sa entablado, dama ang bigat ng mga alaalang iniwan niya roon sa loob ng ilang dekada ng kanyang paglalakbay bilang Asia’s Songbird. 


Naging emosyonal na sandali ito ng pasasalamat at pagpupugay sa entabladong naging saksi sa kanyang musika at mga awiting tumatak sa puso ng publiko, lalo na sa mga fans na matagal nang sumusubaybay sa kanyang karera.


Pero marami pa rin ang nagtatanong: Ito na nga ba ang huling pagkakataong mapapanood siya sa malalaking entablado, o isa lamang itong pamamaalam sa isang yugto ng kanyang karera?


Sey ng isang fan, “The Philippines’ most-celebrated and most-loved DIVA takes her final bow! Nakakaiyak! Hinawakan n’ya pa ‘yung stage as she said goodbye to the big stage.”


Sagot ng basher, “Maniwala kang final na ‘yan. Hangga’t may nagogoyo ang mga ‘yan, babalik at babalik ang mga ‘yan sa entablado.”


May ilan namang nakaunawa sa interview ni Regine kay Karen Davila na ang tinutukoy niyang huling concert ay ang mga pagtatanghal sa malalaking venues.

Sey ng mga netizens:


“Ang pagkakaintindi ko sa interview n’ya kay Karen Davila, last concert n’ya ‘yan sa malalaking venue pero magko-concert pa rin s’ya, like intimate.”


“Maybe, and this is also my way of retiring her old songs. Parang gumawa s’ya ng paraan para makanta n’ya sila one last time.”


“Sa mga hotel na lang s’ya or mga gatherings na maliit lang. Wala nang todo-effort na malakasang boses kasi ‘di na n’ya kaya ang ibang high notes.”





MOVIE NINA WILBERT AT BEA, NAKA-P40M SA ISANG LINGGO



Hindi lang kilig ang hatid nina Bea Binene at Wilbert Ross sa kanilang mga fans dahil nakapagtala na rin ng malaking tagumpay sa takilya ang kanilang tambalan.


Sa loob lamang ng pitong araw, umabot na sa P40 milyon ang kinita ng kanilang comedy-horror movie na Pee Mak (PM), patunay na mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa WilBea love team. 


Produced ng Viva Films, ito ay Philippine adaptation ng 2013 Thai hit film na may kaparehong pamagat na pinagbidahan nina Mario Maurer at Davika Hoorne.


Well, unang nakilala ang WilBea sa kanilang pagtatambal sa seryeng Golden Scenery of Tomorrow at Love U Lots sa Viva One, kung saan kinagiliwan ang kanilang chemistry at mga nakakakilig na eksena.


Sa PM, si Wilbert ang gumaganap bilang Mak, isang sundalong umuwi mula sa digmaan kasama ang kanyang mga kasamahan.


Inimbitahan niya ang mga ito na tumuloy sa kanilang tahanan dahil sabik siyang makapiling muli ang kanyang pinakamamahal na asawang si Pee-Nang, na ginagampanan naman ni Bea.


Ngunit sa kanilang pagdating sa nayon, nagsimulang kumalat ang mga usap-usapan tungkol sa sinapit ng kanyang asawa. 


Ayon sa mga tagaroon, namatay umano ito habang nanganganak at nagbalik bilang isang multo.


Dito umiikot ang timpla ng katatakutan at komedya ng pelikula, habang sinusubok ang pagmamahalan nina Mak at Pee-Nang sa gitna ng mga misteryong bumabalot sa kanilang kuwento.


Kasama rin sa cast sina Jairus Aquino, Gian Bernardino, Vandolph at TJ Valderrama.

Sa direksiyon ni Victor Villanueva, nabigyan ang WilBea ng pagkakataong ipakita ang kanilang kakayahan sa ibang genre, lampas sa mga romantic series na unang nagpakilig sa kanilang fans.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page