Excited nang manganak… KIRAY, IDINISPLEY ANG SUPER-LAKING TIYAN

ni Beth Gelena @Bulgary | October 21, 2026

Photo: IG _kiraycelis
Ibinahagi ni Kiray Celis sa social media ang mga litrato mula sa kanyang maternity shoot kung saan nakasuot siya ng puting damit at nagsusumigaw ang lumalaki niyang tiyan.
Nag-pose rin siya habang nagpaplantsa ng mga baby clothes. Sinabayan niya ang mga larawan ng caption na excited na siya sa panganganak.
Aniya, “Malapit na mangitlog si mama mama! Makikita n’yo na si naka naka (anak)!”
Sey ng mga netizens…
“So cuteeee! (heart emoji).”
“Ang ganda ng tummy mo, Kiray. Love it!”
“Ay, akala ko nanganak na ‘to.”
“Ano’ng sey mo @senyora.official.”
“Ang galing ng concept!!!”
“Parang nauna ka pa nabuntis kay Alex Gonzaga. Until now, ‘di ka pa nanganganak.”
Sa mga larawan, masisilayan ang paghahanda ni Kiray sa pagdating ng kanilang panganay ni Stephan Estopia.
Ikinasal ang dalawa noong Disyembre 13, 2025 at patuloy nilang ibinabahagi sa publiko ang mga espesyal na sandali sa kanilang buhay.
Akala tatambay lang sila…
GLAIZA, SHOCKED SA PA-BABY SHOWER NINA ANGELICA AT KEAN
HINDI inaasahan ng aktres na si Glaiza De Castro na ang simpleng pagtambay kasama ang mga kaibigang sina Angelica Panganiban at Kean Cipriano ay mauuwi sa isang masayang sorpresa para sa kanya ngayong buntis siya.
Sa halip na karaniwang kuwentuhan, isang intimate baby shower ang inihanda para sa Kapuso actress sa Eoto Studios.
Dumalo rin ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan.
Sa Instagram (IG), ibinahagi ni Glaiza ang mga larawan mula sa pagtitipon, kabilang ang kanyang pagkagulat.
Aniya sa caption, “Ang usapan namin nila @iamangelicap at @kean, tatambay lang kami sa @eotostudios. Huling pagkikita naming tatlo, inabot na kami ng madaling-araw kaya naisip ko, isa na naman ‘tong mahabang gabi. Wala akong kamalay-malay sa mga planong binubuo ng mga kaibigan ko, pero isa ‘to sa pinakamasayang tambay na ginawa namin.”
Nagpasalamat din ang aktres sa mga kaibigan dahil sa pagmamahal na ipinakita nila sa kanya.
Aniya, “Nasabi ko kay Lord na grabe Siya sa mga taong ibinibigay Niya sa ‘kin. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal, at ‘di lang ‘to dahil sa hormones. Nasubok na ‘to ng matagal na taon. Na-witness na namin ang mga iba’t ibang chapters ng buhay, at hanggang ngayon, nandito pa rin sila.”
Si Angelica ang nanguna sa pagbuo ng sorpresa, samantalang si Kean ang nag-reserve ng lugar para sa selebrasyon.
Mensahe pa ni Glaiza (as is), “Maraming-maraming salamat, Amigah (Angge), sa pagiging pasimuno ng ganap na ‘to. Salamat, Amigo (Kean), sa lugar at lahat ng mga pumunta. Masayang-masaya rin si Baby Rainey dahil ramdam niya ang kaligayahan ng nanay n’ya. Mahal na mahal ko kayong lahat.”
Tampok sa dekorasyon ang mga puting bulaklak, customized tote bags, isang kumikinang na karatulang may nakasulat na ‘Baby in Bloom’ at welcome banner para kay Baby Rainey.
Sa comment section, bumuhos ang pagbati para sa nalalapit na panganganak ni Glaiza. Marami rin ang nagpahayag ng paghanga sa matagal nang pagkakaibigan nina Glaiza at Angelica.
SA likod ng pagkilalang natanggap ni Julia Montes mula sa Philippine Association of the Deaf, Inc. (PADI) ay ang personal niyang kuwento bilang anak ng isang inang may kapansanan sa pandinig.
Noong bata pa siya, maaga niyang natutunang umalalay sa kanyang ina, lalo na sa pakikipag-ugnayan nito sa ibang tao. Hindi naging madali ang karanasan para kay Julia. Nasasaktan siya kapag nakikita niyang pinagtatawanan o kinukutya ng ibang tao ang kanyang ina dahil sa kapansanan nito.
Dahil dito, higit niyang naunawaan ang kahalagahan ng paggalang at pagtanggap sa person with disability (PWD). Para sa aktres, hindi dapat maging dahilan ang kapansanan upang maliitin o tratuhin nang hindi maganda ang isang tao.
Tulad ng lahat, ang mga PWDs ay may sariling damdamin, pangarap at dignidad. Nararapat lamang silang tratuhin nang may paggalang at bigyan ng pantay na pagkakataon upang maipakita ang kanilang kakayahan.
Inialay ni Julia sa kanyang ina ang pagkilalang ipinagkaloob sa kanya ng PADI bilang pagpupugay sa pagmamahal at suportang natanggap niya mula rito.
Isa sa mga mensaheng ibinahagi ng aktres ang nagsisilbing paalala sa lahat, “Deafness is not a limitation to being loved, respected, and valued.”
Sa huli, ang kuwento ni Julia ay paalala na magpakita ng malasakit sa halip na manghusga. Ang tunay na paggalang ay nakikita hindi lamang sa mga salita, kundi higit sa lahat sa paraan ng pakikitungo natin sa kapwa.
Komento ng mga netizens na nakauunawa sa sitwasyon ng aktres…
“True. I-respect po natin at intindihin, at mahalin. T.L.C. (Tender Loving Care) dapat ang ibigay natin para sa kanila.”
“Tama ka r’yan, idol.”





Comments