Nagsasama na rin abroad… SANYA, UMAMING IPINAGLULUTO NA ANG BF NA FIL-AM

ni Beth Gelena @Bulgary | October 22, 2026

Photo: IG _sanyalopez
Inamin ng aktres na si Sanya Lopez na half-Filipino, half-foreigner ang kanyang dyowa pero hindi na niya isiniwalat ang iba pang detalye sa identity nito.
Sa segment na Chika or Add to Cart, tinanong ang aktres kung handa na ba siyang sabihin sa publiko ang pangalan ng kanyang boyfriend.
Maaaring sagutin ng kalahok ang tanong o piliing hindi kapalit ng pagbili ng isang item.
Pinili ng aktres ang ‘Add to Cart’ dahil nais niyang protektahan ang kanilang relasyon.
“Naniniwala kasi ako sa evil eye. ‘Pag may nalaman ‘yung ibang tao, minsan nauudlot. Kaya sa projects ko o kahit saan, laging may ganu’n kaya ayaw ko nang mangyari,” paliwanag niya.
Bagama’t mas pinipili ni Sanya na panatilihing pribado ang kanilang relasyon sa social media, nilinaw niyang hindi niya itatanggi ang boyfriend sakaling makita silang magkasama sa publiko.
“Meron naman, pero ‘di sa social media. ‘Pag nakita kami sa labas, ‘di ko naman s’ya itatanggi,” aniya.
Todo-suporta sa Asia’s Songbird…
SARAH AT MATTEO, NASA VIP SECTION SA CONCERT NI REGINE, WALANG MASYADONG KATABI
USAP-USAPAN online ang pagdalo ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kasama ang kanyang asawang si Matteo Guidicelli sa ikatlong gabi ng FINALE concert ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.
Nasa VIP section ang mag-asawa kaya napansin ng iba na maraming bakanteng seats sa paligid nila.
May mga netizens na nanghinayang sa mga upuang tila hindi nagamit, gaya ng komento ng isa, “Sayang ‘yung seats (sa VIP), daming gustong manood.”
Sagot naman ng isa pang netizen, “Ang mga upuan sa VIP section ay ‘di ibinebenta sa publiko dahil nakalaan ang mga ‘to para sa mga espesyal na bisita.”
Sa kabila ng diskusyon, ikinatuwa ng mga fans ang pagdalo ni Sarah upang suportahan ang Asia’s Songbird. Marami rin ang nanghinayang na hindi nakasama ang Popstar Royalty bilang guest sa huling concert ni Regine.





Comments