In Tagalog lang daw, ha? VILMA, DREAM MAINTERBYU SINA KAREN AT PINKY
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 10, 2021

Sa latest vlog ni Vilma Santos-Recto sa kanyang YouTube Channel titled The Farm Tour + Ask Ate Vi Anything, sinagot niya isa-isa ang mga tanong ng mga subscribers.
Ayon kay Ate Vi, maraming questions ang dumating na sa tantiya niya ay nasa mahigit 100K.
Hindi raw niya alam kung kakayanin niyang sagutin sa isang vlog lang niya.
Anyway, pumunta raw ang grupo ni Ate Vi sa farm kasama ang kanyang buong pamilya at mga ‘angels’ niya para raw makapag-unwind sila.
Gayunpaman, sasagutin daw niya nang pailan-ilan ang mga tanong.
Eto ang ibang tanong kay Ate Vi na nakaagaw sa aming atensiyon.
"If you could be someone else for one day, who would it be and why?”
Ang sagot ni Ate Vi, "Ang gusto ko lang po ay ang maging Darna. Ang totoong buhay na Darna."
Paliwanag niya, "Siguro, ang makapagligtas ka ng nasa bingit ng kamatayan na nasa isang libong tao in a day para hindi matuloy ang disgrasya nila. Aba, malaking fulfillment na po ‘yun, ‘di ba?"
Natawa naman si Ate Vi sa tanong ng isang netizen na "Insured po ang legs n’yo? Hehehe!"
Ayon kay Ate Vi, "Bakit ko naman ipapa-insured ang legs ko? ‘Pag sinabi mong insured, dapat maganda ang legs mo."
Binigyan ng payo ni Ate Vi ang nagtanong. Aniya, maliit pa lang daw siya ay inaalagaan na ang legs niya.
Hangga't maaari raw ay ‘di dapat nasusugatan or nagagalis o ‘di naman daw kaya ay lagyan lagi ng lotion.
"But most important thing po ay alagaan... ‘wag masugatan, ‘yun lang po ang importante.”
May tanong din na "What are the things that Sen. Ralph do inside your room that annoy you?”
Sey ni Ate Vi, "Ang ikinaiirita ko talaga ‘pag nasa kuwarto kami, pagkalakas-lakas ng telebisyon.”
Naka-Sensurround pa raw ang kuwarto nila kaya talagang dumadagundong ang tunog.
“Nakakabingi po talaga. Ang gagawin ko po, lalabas ako ng family room at lilipat sa kabilang kuwarto at bubuksan ko rin po nang pagkalakas-lakas ang TV kaya naglalaban sa lakas ang TV namin,” ‘kaaliw na kuwento ni Ate Vi.
Tapos, bigla raw sasabihin ni Sen. Ralph, "Puwedeng hinaan TV mo?” At ganu’n din daw ang sasabihin niya sa mister na senador.
‘Yun lang daw ang nakakairita sa kanya, ang lakas ng TV kapag nanonood si Sen. Ralph. Pero masaya naman daw sila.
Ang isa pang tanong na nagustuhan naming sinagot ni Ate Vi ay ang mag-collab sila nina Karen Davila at Pinky Webb. Looking forward siyang interbyuhin ang mga nag-iinterbyu sa kanya tungkol sa showbiz at politics.
"At in TAGALOG, ako ang mag-iinterbyu sa kanila unlike na ako ang iinterbyuhin nila... Isa ‘yan sa mga pinapangarap ko... sana matuloy..."





Comments