Impeachment trial ni VP Sara, posibleng ipa-stop ng SC dahil sa sablay na desisyon ng senator-judges

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 25, 2026

MAJORITY SENATOR-JUDGES, SABLAY SA PAGPAPABABA NG VOTING THRESHOLD KASI BAKA MAGING DAHILAN ITO PARA IPA-STOP NG SC ANG IMPEACHMENT PROCEEDINGS KAY VP SARA — Sablay ang naging desisyon ng majority senator-judges na ibaba ang voting threshold sa conviction sa impeachment kay Vice President Sara Duterte.
Nauna na kasing nagbabala si Constitutionalist, former Justice Adolf Azcuna na kapag ipinagpilitan ng impeachment court na ibaba ang voting threshold sa conviction ni VP Sara ay puwede na itong panghimasukan ng Supreme Court (SC) dahil malinaw naman sa kanyang (Azcuna) iniakda sa 1987 Constitution na ang sinumang nahaharap sa impeachment ay dapat 2/3 ng all members of the Senate o 16 na boto ng mga senator-judges ang kailangang maging boto para sa conviction ng ini-impeach.
Kaya natin nasabing sablay ay baka ang mangyari, dahil binabaluktot ng majority senator-judges ang nakasaad sa Konstitusyon na mismong si Azcuna ang may-akda, ay maging dahilan ito para ipa-stop ng Korte Suprema ang impeachment proceedings laban kay VP Sara, period!
XXX
KAPAG NAGING PRESIDENTE SI VP SARA, LAGOT ANG 13 SENATOR-JUDGES NA BUMOTO SA PAGPAPABABA NG IMPEACHMENT VOTING THRESHOLD — Ayon kay Atty. Michael Poa, isa sa mga abogado ni Vice President Sara Duterte, magsasampa sila ng petisyon sa SC para kuwestiyunin ang napagdesisyunan ng majority ng mga senator-judges na pagpapababa sa voting threshold sa conviction ni VP Sara.
Kapag pinaboran ng SC ang petisyon at ipina-stop ang impeachment proceedings ay wala nang hadlang sa pagtakbo ni VP Sara sa pagka-presidente sa 2028 election at kapag naging ganap na presidente na ito (Sara Duterte), tiyak lagot ang 13 senator-judges na bumoto sa pagpapababa ng voting threshold dahil siguradong reresbakan sila ng anak ni former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD), abangan!
XXX
DUSA ANG INABOT NG MAMAMAYAN SA 'BAGONG PILIPINAS' NG MARCOS ADMIN — Kasunod ng bigtime oil price hike, nagtaasan na ang presyo ng mga produktong pagkain sa merkado, at inaasahan na rin ang napipintong pagtaas ng pasahe sa mga public transport.
May solusyon naman sana d’yan para hindi gaanong makaranas ng paghihirap ang taumbayan at ito ay ang pagsuspinde sa value-added tax (VAT) at oil excise tax para hindi gaanong tumaas ang presyo ng krudo, mapababa ang presyo ng pagkain at hindi matuloy ang dagdag-pasahe, kaya lang ang problema, ayaw itong suspendihin ni President Ferdinand Marcos Jr. at dahil d’yan, ang nararanasan ngayon ng mamamayan sa "Bagong Pilipinas" ng Marcos admin ay duda, boom!
XXX
HINDI DAPAT MAGPASINDAK, DAPAT IPA-STOP NI MAYOR JOY BELMONTE ANG RAKET NA STL-BOOKIES AT EZ-2 SA QC NG ISANG LOYALISTANG RETIRED COLONEL — Isang loyalistang retired colonel daw ang nagpapalaganap ngayon ng raket na STL-bookies at EZ-2 sa Quezon City. Kahit Marcos loyalist ang retired colonel na ito, hindi dapat magpasindak dito si Mayor Joy Belmonte; dapat ipa-stop niya ang raket nito na nambibiktima sa mga residente ng QC, period!





Comments