Impeachment process, tipikal at ‘garapal na pulitika’ ang pundasyon
- BULGAR

- Jun 16, 2025
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | June 16, 2025

Nagkainitan na ang Israel at Iran.
Posibleng maging mitsa ito ng World War III.
----$$$--
Sinisikap ng US, Russia at China na hindi madamay sa naturang giyera.
Pero, sa aktuwal — mga armas nila ang ginagamit sa pambobomba.
As usual, plastic.
---$$$--
KAPAG nagkagulo sa Middle East, puwedeng biglang sunggaban ng Mainland China ang Taiwan.
Diyan na madadamay ang Pilipinas.
----$$$--
KAPAG sumiklab ang giyera sa West Philippine Sea, pinakaligtas si ex-President Digong.
Kuya-kuyakoy lang siya sa The Netherlands.
----$$$--
PINAKAPOPULAR na kukupkop kay Digong ay ang The Netherlands sakaling maaprub ang kanyang interim release.
Ang The Netherlands kasi ang pinaka-cooperative at lalabas lang siya ng building — presto, nasa The Netherlands na siya.
-----$$$--
IKALAWANG paborito ay ang Japan, dahil may matibay na relasyon si Digong sa dating Prime Minister na si Shinzo Abe.
Bukod dito, isang Japanese ang president ng ICC at ang Japan ang biggest financer ng ICC.
----$$$--
KAPAG nakiusap at nakipag-cooperate ang Japan, hindi makakatanggi ang ICC.
Iyan ay isa sa napakalaking posibilidad.
----$$$--
NATATAWA tayo sa mga nagpapakilala at ipinakikilalang eksperto sa batas.
Magkakasalungat sila ng opinion.
Meaning, wala talagang eksperto.
-----$$$--
KAPAG expert opinion, karaniwan dapat ay wala o kung ‘di man, ay kakaunti ang kritiko o kokontra.
Sa kaso ng impeachment kay VP Sara, sandamukal ang salungatan.
At ‘pag sinuri mo — “biased” ang mga loko — nagpapagamit sa maruming pulitika.
----$$$--
GUSTO ng marami ay suriin mabuti ng Senado ang articles of impeachment na walang habas o walang patumangga — nilagdaan — nang walang pagsusuri ng mga kongresista.
Dapat ay sagutin ng mga kongresista ang alegasyon na “may bayad” ang paglagda.
-----$$$--
HINDI naman masama ang ganyang proseso — dahil iyan ang aktuwal.
Ito ay nagpapatunay lamang na “pulitika” ang pundasyon at postura ng isang impeachment provision.
Hindi matanggap iyan ng mga eksperto.
----$$$--
Uulitin natin, ang impeachment process ay tipikal at ‘garapal na pulitika’ ang pundasyon.
At ang mga eksperto ay bihasa sa proseso sa hudikatura — pero nakakalungkot na sabihing mangmang sila sa naturalesa at esensya ng “pulitika”.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.







Comments