Imbes suportahan, nilait tuloy ng netizens… RABIYA, PINAGLARUAN DAW NG MGA DESIGNERS
SA MGA IPINASUOT NA GOWN SA MISS U
Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 16, 2021

Maraming nanlait at dismayado sa ilang outfits ni Rabiya Mateo sa 29th Miss Universe pageant.
Hindi raw bumagay ang design at choice of colors kay Rabiya kaya hindi lumutang ang kanyang ganda.
Malaking disaster din ‘yung Pinoy flag-inspired niyang national costume na dalawang malalaking pakpak na sobrang bigat (21 kilo) kaya nahirapan siyang irampa at mag-project sa stage.
Marami tuloy ang nagsasabing mukhang pinaglaruan ng mga Pinoy designers si Rabiya dahil chaka at walang dating ang kanyang mga outfits na inirampa sa Miss Universe pageant.
Malaking pressure para kay Rabiya ang maging kinatawan sa Miss Universe. Masyadong mataas ang expectation sa kanya ng sambayanang Pilipino kaya ginagawa niya ang lahat upang siya ay mapansin at lumutang.
Pero, sa halip na bigyan natin siya ng moral support ay sinisisi pa siya at pinagtatawanan at puro panlalait ang ibinabato sa kanya ng ilan nating kababayan.
Ganunpaman, pinairal ni Rabiya ang kanyang fighting spirit. Tatapusin niya ang pageant nang taas-noo at may dignidad. Win or lose, proud siyang maging Pinoy!





DILAWAN KASI KAYA NAMUKHANG TANGA