Imbes magmukmok sa hiwalayan nila ni Dominic… BEA, NAGBAKASYON ABROAD KASAMA ANG PAMILYA
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 11, 2024

Hindi nalulungkot at nagmumukmok si Bea Alonzo sa breakup nila ni Dominic Roque sa kabila ng mainit na isyu na naglalabasan ngayon sa paghihiwalay nila at tuloy ang buhay para sa aktres.
Bumiyahe silang mag-anak at nagbakasyon sa Singapore. Kasama ni Bea ang kanyang mom, mga kapatid, hipag at mga pamangkin, mas pinili niyang mag-enjoy at magsaya kaysa ma-stress sa mga issues sa ex-boyfriend-fiance niyang si Dominic.
Ang dami-dami nang sikreto at misteryong lumulutang ngayon at marami ang nagtatanong kung bakit hindi raw ito agad natunugan ni Bea Alonzo sa loob ng dalawang taon nilang relasyon ni Dominic. Hindi ba siya nakaramdam ng pagdududa sa katauhan ni Dom?
Pero, maraming fans at supporters ni Dominic Roque ang nagsasabing hindi totoo ang mga akusasyon sa kanilang idolo. May gusto lang talagang manira kay Dominic upang hindi matuloy ang kasal nila ni Bea. Pasasaan ba't lilitaw din ang katotohanan. ‘Wag na lang ipilit kung sadyang hindi sila nakatakda para sa isa’t isa.





Comments