Ikinukumpara kay Heart… PIA, APEKTADO NA ANG MENTAL HEALTH NG PAMBA-BASH
ni Beth Gelena @Bulgary | Abril 6, 2024

Hindi na mapigilan ni former Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mapaluha habang binabasa niya ang kanyang Women’s Month manifesto at L’Oreal Paris kung saan isa siya sa mga endorsers.
Ang pinatutungkulan niya ay ang kanyang mga bashers.
Ayon kay Pia, naapektuhan umano ang kanyang health ng social media bashing.
Wika niya, “May mga panahon na matatamaan ka talaga sa mga naririnig at nababasa mo.
Minsan, galing pa sila sa mga taong malalapit sa ‘yo. At para sa’kin… Mas masakit pa nga ‘pag galing sa kapwa Pilipino. (At) Lalo na ‘pag galing sa kapwa babae.”
Deklara pa niya, “‘Di ba kung ibang lahi, parang okay lang, kaya ko. Pero kasi ‘pag galing sa kababayan mo, tapos sa iba pang babae, hindi talaga madali. Mas masakit.”
Mensahe niya sa mga gusto siyang ibagsak, “If there's anything people should probably know about me by now, is that the more you tell me ‘No,’ the more I'm going to try to prove you wrong. Don't tell me I can't do something because that is the sure way for me to try to make it happen. Nothing fuels me more than negativity - bashers, naysayers, people who diminish my efforts and my worth, people who diminish my worth.”
Lately kasi ay grabe ang mga fans sa pagda-down sa former beauty queen kung ikumpara sa kanilang ina-idolize na si Heart Evangelista.
Sana inisip ng mga ito na nakapagbigay din ng karangalan sa bansa natin ang taong pilit nilang sinasadlak sa isang tabi.
Aminin man ng mga ito o hindi, naging proud din sila nang manalong Miss Universe si Pia last 2015.





Comments