top of page
Search
  • BULGAR

IKINANTA RAW NI MARJORIE: GRETCHEN AT ATONG ANG, BF-GF

ni Beth Gelena @Bulgary | February 20, 2024



Nagkita-kita ang rich and famous beauties na sina Gretchen Barretto, Ruffa Gutierrez at Small Laude plus Tim Yap sa 100th birthday bash ng prominenteng personalidad na si dating Senate Speaker Juan Ponce Enrile. 


Ang kanilang larawan ay makikita sa Instagram ni Yap. 


Ayon sa mga netizens, nagiging visible raw ngayon si La Greta na kasama si Atong Ang dahil sa birthday party, may nililigawan umano ang huli na isa ring aktres. 


Anila pa, "Ganda ni Gretchen! Kabog lalo na ang diamond necklace!"


"Kabogera talaga si La Greta, hihi!"


"Spotted in the background si Atong Ang. Nahihiwagaan talaga ako ano'ng setup meron sila."


How true naman kaya ang statement ng isang netizen na, "Mag-boyfriend and girlfriend sila, according to Marj?"


"When Gretchen is near, Atong is never far away talaga, 'no?"


"Ba’t si Gretchen uli kasama ni Atong, wala si Sunshine?"


"Si Atong ang high-end bodyguard ni Greta with the basbas of Tony Boy Cojuangco."


"Umeeksena at papansin ang baklang Greta lately. May nililigawan kasi si Atong. Baka maagaw daw ang reserba ni lola mo Greta, lols."


"Ayan ang good news na pasabog, Greta and Small, sa wakas, bati na, yayyyy."


"Buti naman, okay na sila ni Laude. Base kasi sa live ni Greta dati, may nasabi siyang maanghang na salita kay Alice (Eduardo) na kapatid ni Small Laude about tax."


Pero kung visible na si Greta sa mga showbiz gatherings, naka-social media detox pa rin ito hanggang ngayon.


0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page