top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ikinalat sa FB… GERALD, MAY IBANG KINATAGPO HABANG NASA TAPING SI JULIA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2021
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 07, 2021




May bago na namang putahe na ihahatag sa mesa ng mga Marites ang kontrobersiyal na social media influencer na si Xian Gaza.


Ang target nitong pulutanin ngayon ay ang nananahimik na relasyon nina Gerald Anderson at Julia Barretto.


Post ni Xian sa Facebook account, nakatsikahan daw niya ang leading lady ni Gerald sa Hello Heart na si Gigi de Lana.


"What if sirain ko relasyon nila para wala nang hadlang sa love team n'yo?" sabi raw ni Xian kay Gigi.


Sagot naman daw ni Gigi, "Hoy, Xian 'wag ganu'n. Bad 'yun. Mabuting tao si Gerald. He's a very nice man. Everyone loves him. Nami-misunderstood lang talaga siya ng madlang people.


At alam mo naman ang social media, 'di ba? Parang ikaw lang din."


Pero, tsinika pa rin daw ni Xian ang baguhang aktres.


Ani Xian kay Gigi, habang nasa locked-in taping umano si Julia, may kinita si Gerald.


Pero, binitin naman ni Xian kung sino ang pinuntahan ng aktor.


Sa sinabing ito ni Xian, hindi kaya mag-alburoto na naman si Julia?


Pero may mensahe rin naman siya para sa mga Marites.


"Para sa kaalaman ng buong Marites Association of the Philippines (MAP), si Gigi de Lana at Gerald Anderson ay may upcoming digital series this Dec. 15 -- HELLO HEART. Bilang pinuno ninyo, sa ayaw at sa gusto ninyo, ito'y ating susuportahan."


Mukhang ito ang paraan ni Xian sa pagsuporta sa bagong love team — ang siraan si Gerald kay Julia nang sa ganu'n ay pag-usapan ang aktor. Siyempre pa, kakabit na rito ang name ni Gigi na kapareha ni Gerald sa Hello Heart.


Kahit panay bash ang mga komento kay Xian ay wala siyang pakialam.


"'Tong Xian na 'to, sa true lang, kumakalembang ang radar."


"Grabe balasubas talaga 'tong mokong na 'to, 'noh?? Kahit si Bin Laden pa ang chismisin niya, I'm sure sa pambansang nunal pa rin ako maiirita."


"Palagay ko, nanggagamit na lang talaga itong Xian na 'to ng mga starlets. Napakadesperado ng chakang 'yan!"


"Parang sinabi mo na rin na starlet level lang sina Julia and Gerald. Hahahahahaha!"


"Hindi naman starlet si Gerald, La Ocean Deep lang. Si Julia 'yung muntik nang makaahon sa starlet level pero inuna si boylet, kaya ayan."


"Hmm, feeling ko, promo lang 'to para sa movie ni Gerald."


"Naku, 'pag si Gerald ang bida, kahit gusto ni Xian gumawa ng kuwento, ang laki ng possibility na maging totoo 'yung fake news niya."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page