Ikinalat na may Barbie bukod kay Kathryn… SIGAW NI DANIEL: WA' 'WENTA!
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 08, 2022

Hindi na nga pinatagal pa nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang pang-iintriga sa relasyon nila ng controversial social media influencer na si Xian Gaza.
Nag-post kasi si Xian sa kanyang FB page ng picture ng nanay ni Daniel na si Karla Estrada na kasama nito sa bahay si Barbie Imperial at ang tanong ng socmed influencer, ano raw ang ginagawa ng girlfriend ni Diego Loyzaga sa bahay ni DJ at may namamagitan daw ba kina Barbie at Daniel?
Sa conversation ni Kathryn at ng former beauty queen na si MJ Lastimosa, nagbitaw ng pahayag ang GF ni Daniel na: “Alagang Ford po, opo," na referring sa real family name ni Daniel.
“Kabogera ‘yun [as a] trending topic (That was sassy as a trendy topic)!” ang nasabi na lang ni MJ sa tinuran ni Kathryn.
Hindi na nag-elaborate ang beauty queen.
Ayon naman kay DJ nang tanungin ng mga fans ay i-ignore na lang ang tsismis.
"Nonsense," aniya pa.
Ipinagtanggol naman ng mga KathNiel fans ang kanilang idolong love team.
“Ang bumangga, giba!” sey ng isa.
Sabi pa ng isang fan, “I believe in ‘alagang Ford’ supremacy.”
“Let Kathryn’s ‘alagang Ford’ statement be the assurance if some of you are still in doubt. Happy sila. Period."
"Oh, 'di ba? Tinatawanan na lang din talaga 'yan nu'ng dalawa for sure. Kaya kahit nakakainis na, let's all keep our chill and don't give the guy the attention that he wants."





Comments